Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising. Nag alarm talaga ako dahil may duty ako sa Supermarket.
Hindi naman ako gaanong nalasing kaya wala akong hang-over.
Naligo lang ako at nagbihis, bahala na si insan magligpit ng kalat total wala naman siyang pasok ngayong umaga, alas singko pa ng hapon ang slot niya sa radio station.
Dinala ko na rin ang itinabi kong carbonara at bopis kagabi para kay Jene, pangako ko ito sa kaniya dahil sa pagpayag niyang mag-change kami ng day off pansamantala. May slice rin ng cake, madami-dami ang cake kasi 'di naman gaano nakain kagabi.
Sinilip ko si insan bago tuluyang lumabas at tulog na tulog pa siya.
Ni-lock ko na lang ang pinto at sakto paglabas ko ng gate ay nagulat ako sa nakita ko! Kinusot ko pa ang aking mata para makasiguro at hindi nga ako namalik-mata!
"Sir Harold?" gulat na bungad ko paglabas niya ng kotse!
"Sir naligaw ka ata?" turan ko!
"Hi cath good morning,'' nakangiti niyang bati sa 'kin.
"Ah, sir may nakalimutan ka ba kagabi?" takang tanong ko.
"Nothing, dito rin naman kasi ang way ko kaya naisipan kong daanan ka kasi 'di ba maaga ka papasok? Kaya ihahatid na kita," sagot niya na naka-pamulsa.
Ang gwapo niya sa suot niyang long sleve na kulay dilaw at medyo fitted na tinupi hangang kalahati at naka bukas pa ang dalawang butones ng long sleve kaya kita ang mabalahibo niyang dib-dib. Pinaresan niya ng kulay itim na pantalon at semi-fitted.
Napalunok pa ako ng laway ng nagawi ang tingin ko sa nakabakat sa may ibaba, sa pantalon niya ang bagay na halatang pwedeng ipagmayabang!
"Tapos kana?" tanong niya!
"Po, saan po?" gulat na tanong ko dahil hindi ko namalayang hindi na pala ako naka pagsalita kaka-titig sa kaniya!
"Sa pagpantasya sa akin." Sagot niya habang nakangiti na binuksan ang pinto ng kotse katabi ng driver set.
Sa hiya ko, napasakay na lang ako kaagad na hindi na nagreklamo o nagsalita!
"Ok ka lang Cath?" tanong niya pagka-pasok niya ng kotse sabay start ng makina.
"O-oo naman po, may dahilan ba para maging hindi ako okay?'' balik ko ring tanong sa kaniya!
"Wala naman kasi parang wala ka sa sarili mo ngayon!" Puna na naman niya.
"Inaantok pa kasi ako sir", palusot ko sabay kunyari hikab at takip ng isang kamay ko sa bibig.
"Ah sir, saan pala ang punta mo at ang aga mo yata?" pag-iba ko ng usapan.
"Sa lungsod ng Sta.Monica, bibisita ako kay ate, matagal na kasi kaming hindi nagkita, tinawagan niya ako kagabi bago ako pumunta sa inyo nakiusap na dalawin ko raw siya.
"Ah, ganoon pala..."
"Oo, magpapaharvest daw pati siya ng mangga namin ngayon kaya sigurado marami akong dala mamaya pag-uwi, ikaw, gusto mo ng mangga?" tanong niya sabay sulyap sa akin.
"Kong bibigyan mo ako sir, tatangapin ko ng maluwag sa loob, iyon pa eh paborito namin ni Kristine 'yon." Sagot ko na napalunok pa ng laway dahil para na akong natatakam.
"Alam mo, ang cute mo talaga Cath, lalo na kapag ganiyan ka," sabi pa niya ng bumaling ulit sa akin.
Nagkunwari akong hindi siya napansin kasi nakatingin ako sa gilid ng kalsada, pero ang totoo niyan naninigas na ako sa kaba rito, lalo at naalala ko ang ginawa ko kagabi na niyakap ko siya at kiniss pa!
"Hay sana lumubog na ako sa kinauupuan ko!" sa-isip ko lang.
Mabuti na lang at malapit lang ang supermarket mga 5mins lang kaya nakarating agad kami.
Pagka-park niya ng sasakyan sa parking lot ay umikot agad siya para pagbuksan ako ng pinto.
Akmang lalabas ako ng pinto ng kotse ng agad naman siyang yumuko kayat muntik ng magbangga ang mukha namin kaya amoy na amoy ko ang bango ng hininga niya.
"Ang seatbelt mo kasi hindi pa natanggal kaya tatanggalin ko na sana baka makalimutan mo," paliwanag niya habang nasa ganoong posisyon kami kasi hindi na ako nakagalaw ng magtama ang aming mga tingin.
May kong anong pumigil sa akin na kumilos dahil naninigas yata ako at nakaramdam ako ng pang-iinit ng buong katawan na tila gusto ko siyang halikan at tila ba pareho kami ng nararamdaman dahil unti-unti ring lumalapit ang kaniyang mga labi .
Napapikit ako at nakikiramdam pero ilang segundo ang dumaan ay parang hindi naman niya ako hinahalikan kaya dinilat ko ang aking mata.
Napatakip ako ng mukha sa kahihiyan dahil namulatan ko siyang nakatitig lang sa akin!
"Ah sir, 'yong seatbelt ko po." Sabi ko para mailihis ang aking nararamdamang hiya. Ang tanga ko ba namang iniisip kong hahalikan niya ako.
Agad din naman siya natauhan kaya napaatras siya ng konti at tinangal niya kaagad ang lock ng seatbelt ko at agad siyang napatayo at niluwagan ang pagbukas ng pinto!
"I'm sorry" sabi niya na ikinapula naman ng mukha ko, siguro kasi nang-init eh, kaya dali-dali akong lumabas ng kotse sabay halik sa pisngi niya bago tumalikod.
"Sir thank you sa rides, dag-dag ko pa rito at tuluyan ng umalis sa harap niya at hindi siya nakakibo.
Nang nasa entrance na ako ng supermarket ay pasimple ko siyang nilingon at nakita kong tila natulala rin siya at hindi pa gumgalaw habang nakangiti!
Pagkapasok ko sa loob ng supermarket ay para akong lumilipad sa hangin, ang sarap tumili kaya ng nakasalubong ko si Jene ay agad akong napayakap sa kaniya!
"Jene..."sigaw ko ng nakatili!
"Hoy, napano ka girl?" tanong niyang nakakunot ang noo!
"Ah eh, wala natutuwa lang ako nakita kita, heto pala ang promise ko oh," sabi ko sabay abot ng paper bag na may lamang food container.
"Wow! thank you!" masaya niyang sabi sabay silip sa laman ng paper bag.
"Teka lang shine, itago ko muna ito sa locker at baka maunahan ako ng mga baboy nating kasamahan."
Pabulong niyang sabi sabay ikot ng mata sa paligid.
Natawa na lang ako at umiiling-iling bago tumuloy ng comfort room. Kanina pa kasi ako naiihi dahil sa kilig kay sir Harold.
Hangang sa nag duty na ako napapangiti ako kapag naaalala ko siya. Ang mga titig niya, ang mga ngiti sa labi niya, lahat na yata sa kaniya gusto ko na. Total package naman kasi talaga ang kagaya ni sir Harold.
Natapos ang shift ko sa supermarket na masaya, at ang gaan ng araw ko dahil maaga pa ako nagkaroon ng inspirasyon.
Dahil walang pasok sa school ngayon pagkat sunday ay makakauwi ako ng maaga at makapag pahinga.