Kilig moments💕

1017 Words
Ang pait na ng inuming natira, at lumalalim na ang gabi pero ang saya kasi ng nilalaro namin kaya hindi na alintana ang pait ng Alfonso at mukhang pare-parehas na kaming lahat na lasing na. Pinapaikot ni bakla ang bote at ang matatapatan ng ulo nito ang siyang taya. Tatanungin ka niya kong dare or truth? Kung dare may ipapagawa sayo ang huling naging taya kong truth naman ay may itatanong. Kung hindi mo masagot ang tanong automatic dare na wala ka ng option! Nakaapat na ikot na ang bote ngunit ang dalawang beses ay napunta kay Insan kaya inulan tuloy siya ng tanong tungkol sa lovelife nila niJovan ang boyfriend niya. Pero tila tuwang-tuwa naman ang dalawa at kinikilig pa. Ang isang ikot ay tumapat kay stefanie 'yong kasama ng bakla at ang isa kay Jovan, si bakla ako at si sir Harold hindi pa natapatan ng bote. Iniisip ko kong sakaling ako ano ang magiging tanong ng biglang! "Hoy Cathlene shine! Saan ba lumilipad ang isip mo? Ikaw na oh!" sigaw ni bakla! Hindi ko kasi napansin dahil nagkatinginan kami ni sir Harold kanina kaya parang nawala ako sa sarili sa sobrang kilig kaya nga hindi na ako tumingin ulit sa kaniya dahil nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis at parang maiihi naman agad ako! hahaha "Dare!" agad kong sigaw na para g wala pa sa sarili. "Dare pala ha, dahil dare ang pinili mo 'di kana pwedeng mag truth!" Sabi ni bakla na nakagese na parang may pinplano! "Oy grabe siya, ba't hindi pwede? Sila nga pwede ako hindi?"protesta ko pa! "Ang tagal mong sagutin eh, kaya walang ka nang choice!" sabi pa niya habang pinihit kunyari ang buhok sa tenga kahit wala namang buhok na pipihitin kasi maiksi! Ako na ang magrerequest, Ready?" " Ok," tipid kong sagot kasi kinakabahan ako dahil mukhang may planong hindi maganda ang isang to! "Alam mo Cath, mabait ako kaya papipiliin kita, hahalikan mo si fafa Harold sa pisngi o eha-hug mula sa likod?" nakangeseng tanong niya! "Huh! bakit ganoon? Parang sobra naman yata iyon!" "Anong mali 'doon? Naglalaro lang tayo 'di ba? Si Kristine nga kanina hinalikan pa si Jovan sa lips ikaw sa pisngi lang naman! Arte! Anong gusto mo ako ang gagawa?" "Ok sege na nga," sabay tayo ko at dahil nakainom na rin ay mukhang nabawasan na rin ang hiya ko kaya sa hindi ko alam na dahilan, hindi na ako namili dahil bigla ko niyakap si sir Harold mula sa likuran at hinalikan pisngi! "Ohhhhhh!!!" Sabay-sabay nilang sigaw na parang nakakita ng multo. "Ay grabe ka girl, nagreklamo sa option pero nilahat naman! Hindi ka rin halata ah!" panunukso ni bakla pero 'di na ako umimik kasi kahit ako nagulat sa pinagagawa ko at parang nawala ako sa katinuan lalo ng maamoy ko ang pabangong panlalaki na gamit ni sir Harold kakaiba ang amoy, parang ayaw mo ng bitawan! Sarap niya yakapin haggang umaga! "O siya' lets continue the game," sabi ni bakla at ako na ang nagpaikot at kay bakla na tumapat ang bote. "Ay ginantihan ako kaagad?" sabi niya at nagdiwang naman sa loob ko! "Makulit ka ha puwes ako naman ngayon!" sa isip ko. Ang pinagawa ko sa kaniya ay pinahalikan ko rin sa kaniya si Stefanie ang kasama niyang babae na halata namang may gusto sa kaniya, kahit babakla-bakla siya! Pero sports talaga ang bading kaya namula na lang ang mukha ni Stefanie ng halikam niya ito sa pisngi! "Oh, ayan na ha ako naman papaikot ng bote," simpling sabi ni bakla at tumapat na kay Sir Harold ang bote. Nakita ko na naman ang kakaibang kislap sa mata ni bakla na tila may plano na naman! "Sir' Dare or truth?" tanong nito ky sir Harold. "Truth!" "Ok, my question is; Gaano mo ka gusto si Cathlene?" Walang keme-kemeng tanong ng bakla! Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Sir Harold at aktong magsasalita na siya ng inunahan siya ni bakla! "Last na 'to sir kasi gabi na, uwian na kaya 'wag ka ng mag-dare!" Tumingin sa akin si Sir Harold na parang nangungusap ang mga mata, hindi ko maintindihan. Ako naman ay kinakabahan! "Sir ano na diyan, ang tagal ng sagot!" pangungulit ni bakla at nakataas na ang kilay! Tumikhim muna si sir Harold bago nagsalita... "Ahmmm, I-I, like her the way I like my mom and my sister!" seryuso niyang sabi pero hindi naka tingin sa akin. "Hindi ko magets sir, slow ako eh," sabi ni bakla! "What I mean is I respect and adore her like that, I don't let anyone hurts her because she's special.'' "Ay... Sana all na lang kami..." tili ni bakla at ako ay hindi na nakaimik dahil sa narinig ko, tila naka-angat na ako sa hangin sa sobrang gaan ng pakiramdam at hindi na ako makatingin sa mga mata niya. Hanggang sa isa-isa na silang nagpaalam na uuwi na dahil maghahating gabi na. Nauna ng magpaalam si bakla at si stefanie. Sumunod na rin si Jovan ang boy friend ni Insan at si Sir Harold. "Sir salamat sa pagpunta ha, sana makabalik ka rito!'' sabi ng pinsan ko habang na may kakaibang ngiti at sumulyap pa sa akin habang sinasabi 'yon! Napalunok naman ako ng laway ng tumingin din si sir Harold sa akin na nakangiti. "Sure' some other time, if okay kay Cath..." sagot niya at bumaling ulit ng tingin sa akin bago pumasok na sa kaniyang kotse. Umi-echo naman sa taenga ko ang salitang 'yon. "Some other time, Some other time some other time... So balak pa niyang bumalik rito?" tanong ko sa aking sarili ng pabulong ngunit napatili na lang ako ng tumapat sa akin ang kotse niya habang nakatayo ako sa gilid ng kalsada. "Ay kabayo!" sabi ko na ikinatawa naman niya! "Sory sir nagulat lang ako!" kagat-labi kong sabi, akala ko kasi nakaalis na siya. "Bye Cath, See you in my dreams!" "Sege sir, ingat po" mahina kong sagot na parang wala sa sarili. Tuluyan na silang umalis, at nakatayo pa rin ako sa labas ng gate kaya hinila na ako ni Insan papasok ng bahay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD