Saktong labas ko ng gate, natanaw ko na agad ang kotse ni sir Harold na Honda civic, kulay itim.
Itinabi niya sa harapan ng apartment. Maluwag naman ang kalsada at madami ring nakaparadang mga sasakyan sa unahan.
Nandito rin ang motor ng baklang katrabaho ni insan at ng kasama niyang babae. Ang kaklase ni Insan na mag jowa ay may motor ding dala. Tapos itong bf ni insan dito rin sa gilid nakaparada ang motor.
Bumaba ng sasakyan si Sir Harold at hindi ko maintindihan ang sobrang kabang nararamdaman ko pumaparada pa lang siya sa gilid, pero mas lalo na ngayong naka baba siya.
May bitbit siyang paper bag na 'di kalakihan kulay verde at may card na nkadikit sa gilid, ito siguro ang regalo niya kay insan.
May dala rin siyang white bouquet of white roses. Biglang nakaramdam ako ng kakaibang damdamin.
"Ang swerti naman ni insan may pa flower na sa boy friend tapos mayroon pa kay sir Harold,'' bulong ko sa aking sarili habang nakatitig kay sir Harold na nakatayo na sa harap ko na parang wala rin planong kumilos.
Nakasuot lang siya ng black fitted na maong pants at nakaputi ng v-nick t-shirt na medyo fit din kaya bakat na bakat ang mamaskulo niyang katawan.
Napalunok ako ng laway na nakaramdam ng uhaw, "tama lang na hindi ako kumain kasi ito ang masarap na ulam may pandesal pa," bulong ko na naman sa aking sarili.
"Hi cath," pagbuhay ni sir Harold sa tila natutulog naming mga diwa na kong saan na nakarating kaka tingin namin sa isat-isa.
Doon na ako nakapansing inaabot na pala niya sa akin ang bouquet of white roses.
"Fo-for you," utal niyang sabi na parang nahihiya pang iabot ang bouquet.
"Sa-Sa akin 'to?" paniniguro ko kong tama ba ang narinig ko.
"Oo" sabi niya habang namumula ang mukha at tipid na ngumiti pero sapat na para masilayan ko ang dimple niya na nakakaakit.
Walang anu-ano kinuha ko agad ang bouquet at baka magbago pa ang isip. Kinakabahan ako ng abutin 'yon. Hindi ko maintindihan bakit para akong lumulutang sa cloud nine sa sobrang tuwa at kilig.
"Umayos ka girl, bulaklak pa lang 'yan," sa isip ko.
"Ahmmmm sir, Halika na po sa loob nagkakasiyahan na po sila, ako lang po ang hindi masaya, pero ngayon sobrang saya kasi andito kana," dagdag ko pa ng pabulong.
Narinig pa rin niya siguro kaya ngumiti siya sa akin and my goodness kinikilig ako sa ngiti niyang labas dimple, maiihi na yata ako dito kaya nauna na akong naglakad papasok at ramdam kong nakasunod naman siya.
Bukas naman na ang pinto kaya dere deretso na kami at napansin naman kami agad ni Kristine kaya agad siyang sumalubong na abot tenga ang ngiti na nakatingin kay sir Harold at palipat-lipat ang tinging makahulugan sa dala kong white roses at sa akin.
"Hi sir Good evening po, mabuti naman at dumating na po kayo." Bati ni Kristine.
"Of course I already say yes, kaya nakakahiya naman kong hindi ako sumipot, here, regalo ko, happy birthday."
"Wow! nag-abala kapa talaga sir, salamat." Sagot naman ni insan pero nakatingin sa bitbit kong white roses at may kakaibang ngiti kaya napayuko na lang ako pati si sir Harold parang nahiya na rin kaya ako na mismo ang nag distract sa kanila.
"Sir' saglit lang ha, dadalhin ko lang 'to sa kwarto," sabi ko sabay taas sa kamay kong may bouquet kaya tumango naman siya.
Pag pasok ko sa kwarto ay napatili ako sa sobrang kilig inamoy-amoy ko pa ang bulaklak at halos mapatalon sa saya.
Nilapag ko sa mesa katabi ng bouquet ni insan na bigay ng boyfriend niya, pero kulay red 'yong sa kaniya ang sa akin naman white.
Binigyang tingin ko lang ulit ang sarili ko sa salamin bago bumuga ng hangin at lumabas sa kwarto para balikan si sir Harold.
"Ay... Ulam!" dinig na dinig kong tili ng baklang kasamahan ni Kristine sa trabaho habang nakayapos sa braso ni sir Harold, ng palabas ako ng kwarto.
"Busog na ako, bakit ngayon ka lang dumating sir? Ikaw na lang sana nilantakan ko kong alam kong may ulam na darating..." malanding sabi ni bakla na agad namang kinangiti ni sir Harold pero halatang naiilang.
"Hoy day, 'wag naman ganiyan baka umalis agad si sir," sabat ko habang papalapit sa kanila at agad naman nilang kinalingon.
Medyo nakagaanan ko na rin ng loob 'tong baklang 'to kahit kanina lang kami nagkakilala kasi nga makwento, kanina pa rin kami nagbibiruan.
"Sus, selosa! Ito na man 'di ko naman aagawin tong Fafa mo hihiramin ko lang, pwedi pa share?" dagdag pa niya at lalong napayapos sa braso ni sir Harold kaya hinila naman siya ni Kristine!
"Ikaw talagang bakla ka mukha mo ang landi!" sabi ni insan sabay abot sa kaniya ng microphone.
"Kakain pa si sir kaya kantahan mo muna," dagdag pa ni insan.
"Ayyyy... sege-sege, gusto ko 'yan pero micropono niya ang gagamitin ko sa pag kanta", sabay tili kayat binusalan naman ng kasama niyang babae ng cake ang bibig niya at 'di na naka-pagsalita, kinain na lang niya ang cake.
Tuwang tuwa si sir Harold sa ganoong eksena kaya lutang na lutang ang dimple niya kakatawa.
"Sir halika na po, kain muna tayo." Pagyaya ko at hinila ko siya sa kamay dahilan kaya uminit bigla ang buo kong katawan. Nakaka kuryente ang pagdikit ng mga balat namin.
Napansin ko ring parang nanginig si sir Harold kaya agad naman akong napabitaw sabay kuha ng plato at kubyertos.
"Sir kayo na po bahalang pumili ng gusto niyong kainin ha." sabi ko at nagsandok na ako ng naka hiwa ng lechon manok at carbonara.
"Why?" tanong niya sa akin ng mapansin niyang naka ilang subo pa lang ako ng pagkain at nakatingin sa kaniya, birun mo parehas pa kami ng kinuhang pagkain.
"Ah wala po sir, natutuwa lang ako na parang sarap na sarap kayo sa carbonara."
"Yes, it's my favorite and it's delicious." Sabi niya sabay subo ulit.
"Saan niyo inorder 'to? Kakaiba siya maanghang anghan na ang cream niya nanunuot talaga ang lasa," papuri pa niya kaya kinatuwa ko naman.
"Salamat naman nagustuhan niyo sir, ako po ang nagluto niyan kasi iyan ang specialty at paborito ko pagdating sa mga pasta," kimi kong sagot sabay hawi dahan dahan ng buhok ko sa tenga.
"Wow amazing! Sa ganda mong iyan marunong ka magluto at ang sarap pa ang galing naman, swerti ang magiging boyfriend mo!" dagdag pa niya na ikina pula siguro ng pisngi ko kasi parang uminit ang mukha ko pakiramdam ko tumaas ang presyon ko.
"Hindi naman po sir, kaunti lang," mahina kong sagot.
Nasa ganoon kaming momento ng biglang nagsalita ang bakla kaya napatingin kami ni sir Harold sa kaniya.
"Ang kantang 'to ay para sa mag jowang kumakain," sabay tingin sa amin kaya naman napainom ako ng tubig sa hiya at napayuko.
Kumanta siya ng It might be you, at habang kumakanta at nakatingin sa amin kaya panay tuloy inom ko ng tubig. Ganoon din si sir Harold parang natataranta, mabuti na lang at lumapit si Kristine sa amin.
"Sir join ka po doon sa amin kong tapos na kayong kumain, umiinom ka pong ba ng beer?" tanong ni insan.
"Yes, of coures, may dala rin pala akong wine doon nasa compartment ng kotse nakalimutan ko".
"Sir ako na ang kukuha," Sabat ng bf ni insan na lumapit na rin sa amin kaya binigay naman agad ni sir Harold ang susi ng kotse sa kaniya.
Lumipat na rin kami ni sir Harold sa pwesto nina pinsan sa sala na nakaharap sa tv saan naka-connect ang dvd player at my maliit na soundbox.
Nang makabalik ang bf ni insan dala ang dalawang bote ng wine ay kumuha naman si insan ng wine glass, syempre mayroon kami niyan, kasi hilig ko talaga ang mangoleksyon ng wine glass basta lang na cu-cutan ako at parang ang class tingnan.
Nakadisplay lang 'yon sa hanging cabinet nitong apartment sa kusina nasa isang dosena 'yon at nahugasan ko na 'yon kaninang umaga kasi naisip ko ring baka kulangin ang baso, may magagamit.
"Ito na muna ang inumin natin para sosyal," sabi ni insan na nakatawa, para yatang tinamaan na sa nainom na beer.
"Salamat pala dito sir ha, at sa headphone na regalo mo", sabay abot ng baso kay sir harold na nasalinan na ng wine inabutan din niya ako at ang iba naming kasama pero si bakla beer pa rin ang ininom, hindi raw kasi siya umiinom ng wine ayaw niya ng lasa.
"A toast for my girlfriend's birthday," sabi ng boy friend ni insan sabay taas ng baso kaya nag-taost na kaming lahat at sabay-sabay na bumati kay insan.
"Happy birthday..."
Nagkasayahan na nga kami...
Naka-tatlong baso na yata ako ng wine dahil nasarapan ako, ngayon lng ako nakatikim ng ganitong wine.
"Ang sarap nito sir," sabi ko at binasa ko ang label.
"Tempranillo Rose Wine"
"Mabuti naman at nagustuhan mo,"
sagot ni sir harold na nakangiti.
Ang iba naman naming kasama ay beer na ulit ang ininom. Nang mag alas nuebe na ay nagpaalam na ang kaklase ni insan na mag jowa. Ayaw na kasi uminom baka daw malasing wala ng pang-uwi, magmomotor pa naman silang dalawa at ihahatid pa raw niya ang girlfriend nito kabilin bilinan pa ng mamang babae l na 'wag raw masyadong magpagabi.
"Mabait na bata," sabi ni bakla habang kumakaway sa dalawa na paalis matapos mag paalam sa aming lahat.
Kumanta ulit si bakla at kanina pa nila ako pinipilit kumanta, pero ayaw ko talaga 'di ko talent 'yon ayaw kong mapahiya. Sa sayaw lang kasi ako magaling.
Nakaramdam na rin ako ng kaunting hilo at init sa katawan gawa ng ininom namin tumalab na yata sa akin.
Si sir Harold naman ay nakakanta na ng dalawang beses, at pasulyap-sulyap sa akin at kikilig naman ako tuwing nagkakatama ang mga mata namin.
Alas dyes na ng gabi at tinigil na ang kantahan para hindi maka disturbo sa kapit-bahay, pero wala pa yatang planong umuwi itong bakla at kasama niya, naaliw na rin si sir Harold sa tawanan at kulitan ng lahat, kaya naparami kami ng inom hanggang mag alas-onse na naubos na ang beer at wine.
Nagyaya si bakla na maglaro raw kami ng dare or truth. At binuksan ang hard drinks.