Fernan POV; Tangahaling tapat ng ginising ako ni tiyo para mananghalian. Pang gabi parin kasi ang pasok namin sa trabaho kaya tulog kami sa araw! Bumangon na ako at pumunta sa kusina. "Fernan kumain ka nalang diyan at kakatapos lang namin, hindi ka na namin ginising kanina dahil ang sarap ng tulog mo pero anong oras na kasi kaya itong tiya mo ay sabi malilipasan ka daw ng gutom kaya ginising na kita," turan ni tiyo habang nanonood sila ng tv ni tiya. "Naku! kawawa namam tong' isang to!" halos pasigaw na turan ni tiya at nilakasan pa ang tv. "Kaugnay sa ating balita kani-kanina lang tungkol sa naganap na aksidente na kinasangkutan ng isang Guro na si Mr. Harold Kim Rodrigues, ay napag alaman natin mula sa team na sumunod sa hospital na hindi na nakayanan ng nasabing guro ang pinsalan

