Harold POV; Mula kagabi pag alis ko sa apartment ni Cath ay ang lungkot ng pakiramdam ko! Para nga ayaw ko na sanang umuwi dito sa bahay pero kailangan ko gumawa ng paraan na maayos ang lahat at hindi ko maayos ang lahat kong mananatili ako sa bahay ni Cath, dahil dilikadong matonton o makilala siya ni Mia. Halos wala akong tulog buong gabi kakaisip hangang sa naisipan kong tawagan si Mia pagkagising ko! "Hello my dear husband! Sabi ko na nga ba at hindi mo ako ma-titiish eh," malandi niyang sagot at mukhang lasing ang boses! "Lasing ka ba?" tanong ko. "Oh Harold' ganyan naba ako kalasinggera sa tingin mo para ganito kaaga tatawagin mo ak-hong las-hing? huh? hahaha! " lasing niyang tawa' na parang wala ng bukas! "Mia' stop it! Bakit mo ba ako pinapasundan? Anong mapapala mo sa pina

