Cathlene Shine POV; Kakaiba ang mga kilos ni Harold nitong huli! Hindi ko alam kong bakit, pero malakas ang kutob 'kong may tinatago siya sa akin! Anu man yon alam kong kakayanin niya lahat. Kaninang umaga ng magpaalam siya, ay diko alam bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko, kagaya din ngayong gabi! 'E p-pray ko nalang ang lahat.' sabi kong mag isa. Nang nakahiga na ako ay tumunog ang cellphone ko at si Fernan ang tumatawag. "Hello bak's anung balita?" bungad ko sa kanya. " Heto, medyo busy ako Shine, ikaw kamusta ka diyan? nahihilo ka pa ba? kamusta ang pakiramdam mo? may hinahanap kapa bang foods ngayon? ibibili kita pag napadaan ako diyan." mahaba niyang turan at napangiti naman ako, ang swerti ko na may kaibigan akong kagaya ni Fernan. "Ok lang ako baks, wala ng hilo- hilo

