Lumabas ako ng kwarto bago sinagot ang tawag ni Mia, mahirap na kasi'ng baka magising si Cathy alam kong pagod siya sa trabaho at sa eskwela! "Hello," sagot ko. "Nasaan ka?" galit na tanong ni Mia sakin. "Nasa bago kong tirahan Mia at wag mo na alamin kong saan!" sagot ko sa kanya! "Talagang ginagalit mo ako Harold! Kinausap mo pa talaga si Daddy, bakit' atat na atat na ba yang babae mo na magsama kayo kaya gusto mong ipa annul ang kasal natin?" pasigaw niyang sabi. "Stop that nonsense Mia! Alam mong matagal ko na gustong makipaghiwalay sayo, at matagal ko na ding alam ang sekreto mo but i choose to give you a change and save our marriage pero imbis na mag effort ka rin para matutunan kitang mahalin ay lalo lang kita nakitaan ng dahilan para iwanan! Napapagod rin ang tao Mia at pago

