"Na deal na boss!" sabi ng isang ahente ng sasakyan na nakabenta sa sasakyan ko! "Wow' good, ang bilis ah!" sagot ko naman. Kasalukuyan akong nasa bahay na inuupahan ko ng pinuntahan ako ng ahente. 'Di na ako napagod na dalhin kong saan-saan ang sasakyan dahil sila mismo ng client niya ang pumunta, hindi na rin ako nakisali sa deal nila basta 400k ko benenta ang kotse ko at siya na ang bahalang pumatong! Naibenta yata niya ng 430k hindi ko na siya pinkaialaman diskarte niya na iyon. Bukas daw ay babalik sila dala na ang cash. Alas 5 na ng hapon at kasalukuyan kong inayos ng mga gamit ko na hindi ko natapos ayusin kninang umaga. Gamit nalang sa kusina ng kulang ko dito. Wala pa akong lutuan at ni isang plato o baso kaya napag disisyunan kong mamili muna ng iilang gamit sa kusina. La

