Sakto alas dyes ng umaga ng tuluyan na kaming umalis ni Harold sa bahay, at ng kasalukuyang nasa kotse kami at nasa kalagitnaan ng byahe ay napansin kong ang tahimik na naman ni Harold at tila nawala ang sigla niya.
"Sweet..." malambing kong tawag sa kanya, pagbasag ko sa katahimikan namin, nilingon niya ako at tipid na ngumiti.
"Yes?'' maikli niyang sagot..
"Malayo na ba ang narating mo?" tanong ko ulit sa kanya.
" Huh' anong ibig mong sabihin yong byahe natin?" kunot noo niyang tanong.
" Hindi!" yung isip mo ang sinasabi ko, malayo na bang narating niyan kasi kanina pa parang lumilipad eh", a
sabay tawa ko ng malakas dahil ang corny ng joke ko at nakitawa narin siya pero alam kong pinipilit niya lang ipakita sa aking ok siya.
Hinayaan ko na lamang siya, kwento nalang ako ng kwento at nag- isip ng kahit anong pick up lines at napapangiti naman siya hanggang makarating na kami sa apartment. Tinulungan ko siyang ibaba lahat ng mga dala naming prutas at gulay, hindi naman siya pweding magdala sa kanila dahil baka pagmulan lang ng pagdududa kong saan nanggaling.
Inilagay lang muna namin lahat sa misa ang aming mga dala dala at nag init muna ako ng tubig para makapag kape kami, nag drive true nalang ulit kasi kami kanina ng pananghaliam namin at konti lang yon kaya medyo nagutom na ako. Napadaan kami sa pizza store kaya nagtake out nalang kami ng pizza.
Nasa sala kami nakaupo sa sofa at mga alas 3 palang ng hapon kaya sabi ni Harold maya maya na siya uuwi at magsisimba pa daw sila ng mga bata sa pang alas 5 sa hapon na misa. Kumakain kami ng pizza ng napag disiyunan kong kausapin siya.
"Sweet, alam ko may problema ka, hindi lang kita kinukulit kanina kasi nandoon tayo sa bahay baka makahalata sila inay at itay tapos ng nasa byahe mahirap din kasi nagmamaneho ka kaya di na kita kinulit, pero ngayon siguro na man pwedi kang mag share?" panimula ko na siya namang kina seryoso ng awara niya.
"Tama ako diba? bakit dimo sabihin sakin para maibsan yang dinadala mo," dagdag ko pa kaya humarap siya sakin mula sa pagkakaupo at hinawakan niya ang mg kamay ko.
"Sweetheart', ayaw ko na sana ipaalam ito sayo, pero tingin ko karapatan mo rin kasing malaman..."
pabuntong hininga niyang sabi bago unti unting namula ng kanyang mga mata at nakita ko ang mga luhang nagbabadya lumabas dito.
" Sweety naman! binibitin mo e, deretsuhin mo kasi, handa akong makinig at kong ano man yan pag usapan natin." pangungumbinsi ko sa kanya para ituloy niya ang gusto niyang sabihin dahil parang may kong anong pumupigil sa kanyang sabihin sa'akin yon'.
" Si Mia kasi... alam na niya ang tungkol sa atin!" Mahina niyang sabi na sapat na para umalingawngaw sa aking pandinig. At hindi agad ako nakapagsalita dahil diko alam kong anong dapat maging reaksyon ko, inaasahan ko na hindi namin maitatago ang relasyon namin ni Harold sa asawa niya at mangyayari at mangyayari ang ganito pero ngayong nangyari na nablanko din agad ang utak ko!
"Last week pumasok siya sa kwarto ko noong kasalukuyan akong nasa banyo at diko inaasahan yon dahil kampanti ako, dahil ang tagal na naming hindi nagpapakialaman, nasa table lang ang cp ko at nakaopen dahil kakatapos lang natin nag usap sa txt noon. Hindi ko din naman na delete ang ibang mga palitan natin ng mensahe at nabasa niya kaya galit na galit siya. Buti nalang abala siya sa pag nababasa ng mga mensahe natin hindi pa niya nakuha ang number mo ng lumabas ako sa banyo." mahaba niyang paliwanag na siya ding nagpatahimik sa akin.
" Kilala na na ba niya ako?" maikling naitanong ko s kanya.
" Palagay ko'y hindi pa, dahil hindi namam nakalagay pangalan mo sa cp ko, sweety lang ang nakalagay na name mo sa phone ko, pero sa ugali ni Mia alam ko gagawa siya ng paraan upang malaman ang lahat tungkol sayo!" may pag aalala sa boses niyang turan.
"So paano to ngayon sweet? iiwanan mo na ako? maybe this is the reason bakit lately parang may kong ano kang pinapahiwatig sakin! bakit na man di mo sinabi agad ang tungkol dito? kaya ka pala mukhang problemado ka, pero pinililit mo lang maging ok sa harap ko." pagrereklamo ko pa sa kanya.
"I'm sorry sweetheart, natatakot lang ako at nag aalala akong baka pag nalaman mo ang tungkol dito ay bigla mo nalang akong iwan o lalayo ka sakin!" paliwanang niya.
"No' hindi ko gagawin yon mahal ko, alam mo naman siguro kong gaano kita ka mahal diba, kaya hindi ako basta basta susuko pagdating sayo, maliban nalang kong ikaw ang sumuko!" sagot ko sa kanya na umiiyak na.
" Shhhhhhhhhh.... tahan na, wag kang umiyak please, ayaw kita nakikitang lumuluha dahil sakin. Pag aalo niya sa'kin sabay yakap at napayakap nalang din ako sa kanya ng mahigpit.
"A good thing is hindi ka niya kilala kaya mag iingat nalang tayo, kalimutan mo na muna ito, hayaan mo at gagawan natin ito ng paraan. Balak ko naring ipa annul ang kasal namin dahil matagal na rin naman walang halaga yon' nasa iisang bahay kami pero tila hindi naman mag asawa, ni hindi kami nagkasama sa kwarto, pero diko lang alam kong papayag ba siya sa plano ko, malamang hindi!' saad pa ni Harold.
" Nag alala man ako ng sobra ay hindi ko pweding ipakita sa kanya dahil ayaw kong lalo siyang mamroblema kaya kinalma ko ang aking sarili sa harap niya. Hanggang sa nagdisisyon na siyang umuwi dahil alam niyang naghihintay ng mga anak niya sa kanya kaya hinayaan ko nalang siya.
Nang umalis si Harold ay agad ko hinatid sa land lady namin na si nanay Norma ang gulay at pakwan na dinala ko para sa kanya at pati na ang katabing unit namin na mag asawa ay binigyan ko. Tuwang tuwa sila dahil sariwa ang mga gulay na dala ko.
Nagkwentuhan pa kami saglit ng land lady ko bago unti unti ng nag aagaw ang liwanag at dilim sa paligid kaya napagpasyahan kong bumalik na sa aking unit at muli doon ko naramdaman ang takot at kalungkutan habang iniisip ko ang mga tinuran ni Harold sakin.
Pilit kong iwinaksi yon' sa'king isipan at naglinis na lamang ako ng bahay hanggang sa napagod na ako at ginutom, kaya napag pasyahan kong magluto ng makakain ko para makapagpahinga na pagkatapos, dahil kinabukasan balik na naman sa totoong buhay ko. Ang estudyante at trabahante.