Kakaibang kilos ni Harold

1325 Words
Maaga ako nagising dahil ang lamig dito samin' lumabas ako ng kwarto at sinilip ko si Harold sa kwarto ni Clint pero wala na siya mag aalas singko palang ng umaga. Lumabas ako ng balkonahi pero wala din siya kaya naisipan ko pumunta nalang ng kusina at mag init ng tubig para makapagkape. Nagulat ako sa nadatnan ko sa kusina, si Harold nagluluto! "Good morning sweety', aga mo yata nagising at bakit nagluluto kana? Anu ba yang niluluto mo?" tanong ko sa kanya sabay lapit at niyakap ko siya mula sa likuran. " Ininit ko lang yung mga ulam na natira kagabi kasi madami pa at baka masira sayang din tapos isasangag ko yung natirang kanin." sabi niya habang patuloy na hinahalo yong pansit. "A sege ikaw ang bahala mahal ko magkapae na muna tayo", sabi ko sabay salang ng takuri sa apoy. kumuha na rin ako ng dalawang mugs at native na kape gawa ni nanay galing sa tanim nilang kape. Nang kumulo na ang tubig ay nagtimpla na ako ng kape namin ni Harold habang siya ay nagsasalang na ng sinangag. "Ang bango naman niyan sweet", sabi ni Harold na inaamoy ang hangin. "Oo gawa ni nanay to tunay na native coffee ar walang halong kemikal. Magdala tayo mamaya", sabi ko at nagkape na kami. Maya maya ay lumabas na si itay "Oh' aga niyo yata nagising?" tanong ni itay habang kumukuha na ng mug para magkape. "Malamig po kasi tay", sagot naman ni Harold. "Oo malamig talaga dito lalo na pag umaga. Cathy anak bakit hindi muna kayo pumasyal ni harold sa maisan bago umuwi makakuha pa kayong mais panlaga at marami ding gulay doon sa tabing maisan magdala kayo, at mayron pang pakwan don tingnan mo kng my hinog." Pagbibida ni itay at kita ko naman sa mukha ni Harold na mukhang excited kaya umayon na rin ako. Pagkatapos naming magkape ay niyaya ko na si Harold na pumunta sa maisan ni itay maglalakad pa kami ng konti at tatawirin namin ang ilog na nasa likod bahay. Nanguha kami ng mais at pakwan pati mga gulay ni itay, gaya ng sitaw, talong, okra, ampalaya at alugbati. Para may maipasalubong din ako sa mag asawang may ari ng apartment pati na rin ky Jene. Nang pauwi na kami ay napatigil kami sa ilog dahil ang linaw ng tubig kaya diko maiwasang magtampisaw. Hindi pa mainit kasi alat otso palang ng umaga kaya masarap ibabad sa tubig ang mga papa dahil mainit ang tubig sa ilog pag umaga kabaliktaran ng panahon na malamig. Galing kasi sa bukal ang tubig dito at malinis. Kasalukuyan kong nialalro ang tubig ng aking mga paa ng mapansin ko si Harold na tila ang lalim ng iniisip! "Sweet may problema ba?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa halip tiningan niya ako at kita ko ang kalungkutan sa mg mata niya. "Sweety, kilala na kita alam ko kng may bumabagabag sayo, kaya pwede sabihin mo naman sakin handa akong makinig." pangungulit ko kaya napabuntong hininga siya at lumapit sakin tinabihan ako sa pagkakaupo sa malapad na bato. "Sweetheart' since the day that i saw you in supermarket, is the day na muling nabuhay ang pagkatao ko! Matagal na akong parang patay dahil pakiramdam ko katawan ko lang ang nag eexist sa mundo. Pero buhat ng makilala kita nagkaroon ulit ng kulay ang buhay ko. How many times that I tried to egnore my feelings pero di ko magawa...And now na mutual ang feelings natin at nakasama na kita, I don't know what will happen to me when you leave me o kong mapalayo ka sa akin." seryusong pangusap niya na maluha luha ang mata. Kaya parang nakaramdam din ako ng kaba dahil ngayon ko lang siya narinig nagsalita ng ganito. "Sweet ano ba talagang problema bakit lately parang lagi kang malungkutin at para kang namamaalam!" tanong ko sa kanya. "Sweetheart.. I love you so much!" sabay halik niya sa noo ko. Napaiyak na rin ako dahil ramdam na ramdam ko ang sadness sa moment na yon. Niyakap ko siya at pinahid ko ang luhang nasa mata niya na tuluyan ng lumabas. "Heart di bagay sayo ang umiiyak.... pumapangit ka, mas gwapo na sayo ngayon si Fernan', pabiro kong sabi na ikinasimangot naman ng mukha niya kaya bahagyang nakalimutan ko ang pinag uusapan namin. " Ah ganon? gwapo pala yon e di doon kana!" may tampo niyang sabi sabay akmang tatayo pero hinawakan ko siya sa kamay at hinila dahilan para ma out balance siya at natumba sa tubig. Nabasa kaming dalawa dahil tumilamsik din ang tubig. "My God' ang lamig sweet sigaw ko sabay hinampas ko ng bahagya ang tubig papunta sa kanya kayat tumalsik din sa kanya at yon' nakalimutan na namin ang aming seryusong usapan dahil naligo nalang kami pareho sa ilog! " Oh anung nangyari sa inyo ba't basang basa kayo?" tanong ni inay ng makauwi kaming bahay. " Malamang naligo sila sa ilog nay" pilosopong sagot ni Clinton kaya kinurot ni nanay ang tagiliran niya. " Hoy' ikaw bata ka ha wag ka nga mkisali sa usapan ng matatanda hala ayusin mo yang mga nakuhang gulay at mais ng ate mo igayak mo para madala nila maya!" utos ni inay kaya agad naman kumaripas palabas di Clint dahil nilapitan pa ulit ni inay. Napatawa nalang kami ni Harold at dumeretso na kami sa puso para makapagbanlaw. Matapos naming mag agahan ay nagpasya na kaming maghanda ni Harold para sa pag alis. "Nay' tay, siguro po ay aalis na kami maya maya para di kami abutin ng hapon sa byahe. May pasok pa ako bukas at ganon din si Harold mytrabaho din." Paalam ko kay nanay at tatay habang nasa balkonahi kami. "Okay anak, mag iingat ka doon ha at tsaka pagpasensyahan mo na anak di kami nakakadalaw sayo don paano ba naman kasi medyo malayo layo din at busy masyado dito," paliwanag pa ni tatay. "Ok lang po yon' tay, nauunawaan ko po, hayaan nyo at konting tiis nalang po dalawang buwan nalang makakatapos na ako ng 3rd yr college at sa bakasyon makakauwi uwi na ako dito, kahit po may trabaho ako ay hindi na po ganon ka busy kaya makakasaglit talaga ako ng uwi." sagot ko naman. "Okay anak, bakit kasi anak ayaw mong tanggapin ang allowance na ibinibigay ko sayo e di sana di kana mahirapan magtrabaho para sa allowance mo kasi kahit full schollar ka at walang bayarin sa school ay kailangan mo parin ng allowance," mahabang turan ni itay. "Tay' okay lang po yon carry pa wag niyo na ako alalahanin ni nanay. Para nalang po sa mga kapatid ko yan. Pangako magtatapos ako ng pag aaral." Sabi ko naman sa kanilang dalawa na maluha luha ns ang mga mata. "Teka anak' ano bang trabaho ni Harold? Sabi mo nagtatrabaho na siya diba? " sabat ni inay. "Teacher po ako nay' nagtuturo po ako sa kolihiyo." sabat din ni Harold na kanina pa nakikinig lang sa amin. "Ay talaga teacher kana ilang taon kanaba?" tanong ni tatay kay Harold. "28 napo tay' mag 29 na ngayong taon?" "Abay medyo malayo pala ang agwat ninyo ng anak ko, pero di' halata sayo na 28 na iho, buti wala kapang asawa sa edad na iyan?" walang anu anong tanong ni inay at bigla naman natigilan si Harold at nagkatinginan kaming dalawa. Buti nalang biglang dumating si Fernan kaya naputol ang usapan namin. "Tay Cardo Nay Shella, magandang umaga po' magandang umaga din sayo Shine," bati ni Fernan at di man lang tiningnan si Harold. "Oh Fernan anu't naparito ka?" tanong ni tatay. "Kasi ho gumawa si nanay nag bokayo ito ho' pinabibigay kay Shine, busy po kasi sa tindahan kaya di siya makaalis ako ng pinahatid!" sabi ni Fernan sabay abot ng plastic sakin na may lamang bukayo. "Salamat Fernan pakisabi kay Aling Leyte ha na sa susunod na ako gagala sa inyo." sagot ko sabay abot sa binigay niyang plastic na may lamang bukayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD