Araw ng linggo. Alas dyes ng umaga ay nakahiga parin si Cathy dahil tinatamad siyang bumangon. Katext niya ang nobyo at tinanong siya nito kong kumain na ngunit dahil wala pa ay sabi nito pupuntahan daw siya nito. Wala naman si Mia sa bahay at di lang daw siya magkokotse.
Alas onse ng dumating si Harold may dala na naman itong pizza na bagong paborito ng dalaga. Nag day off si Cathy ngayong araw para makapagpahinga siya ng matagal dahil walang pasok sa eskwela kinahapunan.
"Sweetheart ba't ayaw mo na magluto ng pagkain mo lagi ka ng hindi kumakain namumutla kana tuloy baka anemic ka?" pag aalalang tanong ng lalaki sa dalaga.
"Kabagot na man kasi kumain mag isa sweet eh kaya tinatamad ako magluto." paliwanag niya dito habang nakasandal sa dibdib ng lalaki at kumakain ng pizza.
"Sweet alagaan mo naman ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng uras andito ako at makakadala ng makakain mo! " sambit ng binata na nagpakunot naman ng noo niya.
"Bakit? May balak ka bang iwan ako, at parang naghahabilin kana yata sweety ah." baling sa kanya ng dalaga.
"Wala sweetheart, pero paano pag dumating ang araw na makilala ka ni Mia? mas nanaisin kong malayo sayo kaysa mapahamak ka kaya siguro pag nangyari yon' masakit man ay mapipilitan akong lumayo para hindi masira ang buhay mo!" mahabang salaysay ni Harold na tila nagpabagal ng mundo ni Cathy at hindi niya mapigilang maluha!
"No! wag mong sabihin yan Harold! hindi niya ako makikilala at hindi tayo magkakahiwalay, ayaw ko at wag mo ng banggitin yan!" humahagolgol na pag protesta ng dalaga kayat niyakap namn siya ng mahigpit ng lalaki bago hinalikan sa noo at sa ilong pababa sa labi kaya unti-unting gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa tuwing may problema siya oh nararamdaman tanging ang mga yakap at halik ng lalaki ay sapat na para maging malakas siya. Kaya paano niya kakayaning mawala ito.
"Please don't cry Sweetheart, sorry na sa mga sinabi ko. I just want to be real dahil sa sitwasyon natin dapat alam na natin ang posibling mangyari lalo na ngayon." dagdag pang pahayag ng nobyo at nauunawaan naman niya ito kaya tumahimik nalang siya kahit na sa loob loob niya ay para siyang sinaksak ng matulis na patalim at tagos sa kaibuturan ang sakit sa pag iisip palang na malalayo ang mahal niya!
Hinaplos haplos ni Harold ang kanyang mukha at hinalikan siya sa noo bago binuhat papasok sa kwarto ng nakatulog ito habang nakasandal sa dibdib ng lalaki.
Nasasaktan siya pag nakikitang umiiyak si Cathlene at sinisisi nya' nag sarili nya' dahil para sa kanya siya ang dapat sisihin sa lahat ng ito.
"Hindi ko alam paano aayusin to sweetheart, pero pangako hindi ko hahayaang mapahamak ka," mahinang bulong niya sa natutulog na dalaga na nasa kama na.
Ayaw man niyang ewan mag isa ang dalaga ay hindi siya pweding magtagal dahil hindi alam sa bahay nila na umalis siya baka hanapin siya ng mga bata kaya't nag iwan lang siya ng note sa table at umalis. Nilock nalang niya ang pinto.
Alas 4 na ng hapon ng magising si Cathy at wala na si Harold!
"Napasarap yara ang tulog ko". Salita niyang mag isa habang dahan dahang bumanngon at nakita na man niya ang note sa mesa kaya kinuha niya ito at binasa!
Sweetheart,
I'm sorry if i make you cry, and sorry if i need to leave you while you're sleeping, i hope you understand. Hindi na kita ginising so you can rest. Kids are at home today. So i need to give time for them too.
Take care of your self and please eat dinner okay..
I Love You So Much..
Harold.
Bumuga nalang siya ng hangin at naupo ng may biglang kumatok sa pinto. Dali dali siyang kumuha ng tuwalya pantakip sa dibdib niya dahil wala syang' suot na pantakip sa kanyang malulusog na bolkang mayon.
'Sino kaya to? baka si Aling Norma,' ang land lady, nila sa isip niya.
Pagbukas niya ng pinto nanlaki ang kanyang mata sa lalaking nasa harapan niya!
"Fernan! anong ginagawa mo dito? I mean paano ka nakarating dito? paano mo nahanap ang apartment ko? Bakit ka nandito? Sunod sunod na tanong niya sa lalaki!
"Grabe ka naman Shine para namang 'di tayo magkaibigan niyan at ganyan ang pag welcome mo sakin puro tanong ayaw mo ba akong papasukin muna?" kunyaring pagtatampo ng kababata.
" Ito naman, nagulat lang ako syempre, hindi ko naman inaasahang makakarating ka dito, " paliwanag niya sa kababata sabay papasok dito at pinaupo sa sofa.
May dal dala pang basket ang lalaki na may lamang prutas at gulay at padala daw ng nanay at tatay niya tapos may bukayo na padala ng nanay ni Fernan.
"Teka lang ha saglit lang umupo ka muna diyan," sabi niya sa lalaki sabay pasok sa kwarto para magsuot ng bra. Buti nalang talaga at nagtakip siya ng tuwalya sa harapan kanina dahil manipis pa naman ang tshirt na suot niya at hulmang hulma nag dalawang bulkang mayon niya.
"Paano mo ako natonton dito?" tanong niya sa lalaki ng lumabas ng kwarto at patungo sa kusina para magtimpla ng juice, buti nalang at may juice siyang stock.
"Hiningi ko kay mang Cardo ang addrress mo dito dahil napag alaman ko na malapit lang ito sa bago kong pagtatrabahuan binigay din niya ang number mo pero di na kita tenext dahil sabi naman ng nanay mo nandito ka lang pag linggo ng hapon." masayang sagot ng kababata.
"Wow' talaga dito kana magtatrabaho? l" Masaya din niyang tanong dito.
"Oo' ang pinsan kasi ni Nanay ay isang driver sa isang kumpanya na nagdedeliver ng mga ice cream, nangngailangan sila ng dagdag na driver tama na mang nakabisita si Tiyo doon sa amin at napag alaman niyang marunong ako magmaneho ng sasakyan, at 123 din ang license ko kaya tinawagan agad niya ang manager nila at nerekomenda ako.
Maganda naman ang sahud kaya pumayag agad ako mahina na kasi ang trycecle sa atin dahil madami ng may motor. Dinala ni tiyo ang biodata ko ng bumalik siya noong byernes at tanggap naman ako agad kaya lumuwas ako dito ngayon, kaninang umaga ako umalis sa atin. Bukas kasi kukuha ako ng Police clearance at Nbi at mag papa medical, pag nakumpleto ko na iyon ay magsisimula na ako. Mahabang paliwanag ng lalaki kaya napatango naman siya.
"Saan ka tutuloy?" dagdag tanong niya sa lalaki.
" Sa ngayon doon muna sa pinsan ni inay may bahay sila malapit sa pagtatrabahuan ko malapit doon sa Buenavintura Agricultural School." turan ng lalaki at kinatuwa naman niya kasi malapit pala sa eskwelahan niya.
Madami pa silang pinagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na ang lalaki na babalik na sa bahay ng tiyuhin nito para makapagpahinga siya ng maaga dahil madami siyang kailangan tapusin kinabukasan.
Masaya naman si Cathy na nandito na sa malapit ang kababata niya, pero nag alala din siya kasi baka si Fernan pang makabuking sa sekreto nila ni Harold.
"Hindi ko na muna iisipin yon' ang mahalaga may iba na akong kalapit dito at isa pa may trabaho naman si Fernan at malabo din naman sigurong magkita sila ni Harold sa ibang lugar." Salita niyang mag isa habang binubuksan ang bukayo dahil natatakam na siya dito at nilantakan niya agad. Naisip din niya na magsaing at ang bukayo ang gagawin niyang ulam. At yon busog na busog siya ng gabing iyon.