Ang Bokayo at Pizza

1191 Words
Kinabukasan, maaga akong gumising kahit na ayaw ko pa sanang bumangon ay kailangan dahil kailangan kong pumasok sa trabaho. Nag init ako ng tubig bago uminom lang ako ng kape at kumain ng pandesal bago naligo. Pagkatapos ko naligo agad ako nagbihis dahil nilalamig talaga ako, di ako nagtagal sa banyo. Pakiramdam ko nagugutom naman ako ngayon samantalang ng mga nakaraang araw ayaw ko kumain.. Naalala ko ang bokayo na dala ni Fernan mayron pa sa ref kaya ayon ang kinuha ko at inulam ko sa kaning lamig ng madatnan ako ni Harold. "Sweetheart wala ka bang pambiling ulam at yang bokayo ang inulam mo?" tanong niya sakin na nakakunot ang noo! Ang dami mo pa kayang stock diyan sa ref 'di pa naluluto yung mga dinala mo nong nakaraan sweety". sagot ko habang nililigpit ang pinagkainan ko. " Eh bat yan ang kinain mo t'saka ang dami nito, saan mo nabili to? mukhang pamilyar yung lagayan," nakalukot ang mukha na pinagmamasdan ni Harold ang paper box na lagayan ng bokayo. "Dala ni Fernan yan, pumunta siya dito kahapon, alam mo ba dito na siya magtatrabaho, "masaya kong tugon sa kanya pero tila dumilim ang kanyang mukha at di kumibo, natapos na din akong mag toothbrush kaya niyaya ko na siyang umalis. "Hoy! napano ka sweet para kang natakpan ng langit sa mukha mo! bakit?" tanong ko sa kanya ng makita kong hindi siya kumikilos sa kinatatayuan niya. "Sinundan ka pa talaga ng bestfriend mo dito, at kaya pala mukhang ang saya saya mo habang kumakain ng bokayo na yan dahil galing don' sa kumag na yon! ibibili kita ng maraming bokayo mamaya ipamigay mo yan ayaw ko kumakain ka ng bigay ng lalaking yon! " maktol ni Harold. "Hay bahala ka nga diyan! tara na tanghali na ako," inis kong sabi palabas at sumunod naman siya, binitbit talaga niya ang bokayo! hindi na ako kumibo para di na kami magtalo kasi alam ko na nagseselos lang siya! Pagdating namin sa parking ng supermarket ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan pero napaka seryuso ng mukha niya. Hindi ako lumabas agad at tinitingnan ko lang siya. "Shine! (tawag niya sakin pah inis o nagtatampo siya) tanghali na malalate kana at ganon' din ako kaya bumaba kana! " "Ok fine! " shine talaga? k' bye!" sabi ko lang sabay tumalikod na sa knya at nagrampa deretso sa loob ng supermarket! "Oy' Cath, buti nakapasok ka na maayos na bang pakiramdam mo?'' bati ni Jene sakin. "Oo jen, ok-ok na ako!" matipid kong tugon dahil naiinis talaga ako kay Harold dahil. kinuha niya ang bokayo gusto ko pa namang ulam yun mamayang tanghali! "Cath' mukahang namumutla ka yata ngayon magpacheck up ka kaya baka anemic ka kaya ka nahihilo at laging masama pakiramdam mo." payo sakin ni Jene at tinanguan ko nalang din at tipid na nginitian. Dumaan ang mga uras na wala ako sa mood magtrabaho, tinatarayan ko pa ang iba naming costumer. At pinupuna naman ako ni Jene dahil magkatabi ang counter namin. "Hi Cath" boses ni Harold na biglang sumulpot sa likod ko. Nagulat pa ako habang inaayos ko ang kaha ko dahil breaktime ko na. Nilingon ko siya ngunit hindi ako nagsalita! Nang may inabot siya sakin na paper bag. Napalitan lahat ng lungkot at pagtatampo ko ng makita ko ang dala niya, bokayo at may two big size ng pizza. "Yehey pizza at bukayo!" papalapak pa ako ng mahina at tatalon talon ng di inaangat ang paa dahil sa tuwa. "Ok ka lang ba sweetheart para lang diyan sa bokayo at pizza ang saya saya mo na? " para kang bata." natatawa niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako papunta sa locker ko para kuhanin ang bag ko dahil may baon akong kanin, ininit ko kaninang umaga yung kanin na natira ko pa kagabi kaya binaon ko. "Kakain na ako di ka pa ba babalik sa school?" tanong ko kay Harold ng makita ko na nakasunod siya sa akin papunta sa foodcourt. "Mamaya na dito na ako kakain sagot niya habang kinukuha ang bag ko at inunahan ako sa paglalakad at naghanap na siya ng bakanting mesa. Nang nakaupo na ako ay umorder muna siya ng pagkain kaya hinintay ko siya makabalik! "Anu ba yang ulam na binili mo? ang baho!" turan ko habang inillaayo ko sa haraapn ko ang pakbet at adobong manok na enorder niya! "Ha? paanong mabaho ang bango nga mukhang masarap! sabi niya habang inaamoy amoy ang ulam. "Bahala ka ayaw ko kumain niyan itong pizza lang at bokayo ang kakainin ko." sabi ko sa kanya kayat napakamot nalang siya ng ulo habang na naonood sakin na kinakain ko yong pizza at bukayo, inulam ko sa kanin. " Ang weird mo sweet,"sabi niya habang tinitingnan ako. " Eh masarap naman eh dati sa probinsiya ito lagi kong ulam pag ayaw ko sa ulam namin dahil ayaw ko dati ng gulay. " paliwanag ko sa kanya. Umiling iling nalang siya at nagpatuloy sa pagkain hangang natapos kami at bumalik na siya sa school. Lumipas ang mga araw, at araw na naman huebes, day off ko ngayon kayat sinabihan ko si Harold na wag nalang dumaan sa umaga sa apartment sa tanghali nalang siya pumunta at ibili niya ako ng pizza at avocado milkshake. Tuwang tuwa ako ng dumating siya at may dala siyang pizza at avocado milkshake. "Sweet ang hilig mo yata ngayon sa avocado milkshake at pizza?" tanong ni Harold habang kumakain kami. "Nasasarapan lang ako, masama ba?" mataray ko pang tugon kaya di nalang siya umimik dahil alam niyang magtatalo lang kami pag pinatulan na naman niya ako. Nitong huli kasi lagi kaming nagbabangayan dahil ayaw ko talaga patalo sa kanya sa kahit anong bagay kahit alam kong tama siya. Pagkatapos naming kumain ay naupo si Harold sa may sofa sa Sala habang naghuhugas ako ng pinagkianan namin at nakita ko na naman siyang tila natutulala at nakatingin sa malayo. Nang mataops ako sa aking ginagawa ay nilapitan ko siya at bahagya akong yumuko sa pagkakatayo sa likod ng sofa at inabot ko siya para yakapin mula sa likod! Nilingon niya ako at hinalikan naman niya ako sa pisngi at inabot ang labi ko. "Sweetheart I love you so much! always remember that no matter what happen I always love you, at kahit hindi mo ako kasama tandaan mo andiyan ako sa puso mo!" mga salitang binitawan ni Harold na tagos sa kaloob looban ko dahil ramda n ramdam ko ang senseridad niya. Nagtataka ako sa kilos niya pero isinawalang bahala ko na lang muna. Hindi na ako nagsalita dahil naiiyak na ako kaya umikot ako para mkapunta sa harap niya at kumandong ako sa kanya at sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Mahal na mahal din kita sweety, lagi mo din tandaan na nasa puso kita parati." sagot ko bago siniil siya ng halik at nagyakapan kami kaya't nakaramdam na naman akong uminit ang aking katawan kaya nagpaalam na muna ako sa kanyang maliligo. Nang makapasok na ako sa banyo ay sinundan na naman ako ni Harold kaya't naganap na naman ang iniiwasan ko sanang labanan ng seahorse at Pearly shell ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD