Nakangiti si Arruba habang hawak ni Callen ang kanang kamay. Mahigpit ang pagkakahawak nito na para bang ayaw nitong mawala siya. Mas lalo pang lumawak ang kaniyang ngiti nang halikan nito ang tuktok ng kaniyang ulo. She instantly closed her eyes and savoured the moment. "I love you," bulong ng binata. Bawat katagang sinasambit nito ay parang humahaplos sa puso ng dalaga. Parang dumuduyan sa kaniyang puso maging sa kaniyang kaluluwa. Masaya siya sa kung anumang nangyayari sa kanila ni Callen at sa mga mangyayari pa. Tatanggapin niya ng buong puso ang lahat dahil alam niyang nasa tabi niya ito palagi at hinding-hindi siya nito bibitiwan. "I know. Ilang beses mo na kayang sinabi 'yan," wika ng dalaga at humilig sa dibdib ng binata. Hindi na halos niya mabilang kung ilang beses nang s

