Kumurap si Arruba ng ilang beses. Paulit-ulit habang ang mga mata ay nakatuon sa kisame ng kinaroroonang silid. Sinasanay niya ang sarili sa liwanag na tila bago sa kaniyang paningin. Nakikiramdam sa paligid na para bang hindi siya pamilyar. Pakiramdam ng dalaga ay pagod na pagod siya mula sa walang hanggang pagtakbo. Nanghihina rin ang kaniyang katawan na tila ba hapong-hapo. Namamalat ang kaniyang lalamunan dahil sa uhaw dahilan kung bakit hirap siyang magsalita. "T-Tubig," nahihirapang anas ng dalaga. Ibinalik niya ang paningin sa kaniyang gilid at nakita ang isang maliit na imahe. Kapagkuwan, ay si Callen naman ang kaniyang nakita. Hinawakan nito ang isang bata at kinarga iyon. Nagpabalik-balik ang kaniyang paningin sa dalawa dahilan ng pagsakit ng kaniyang ulo. Nanlalabo ang kan

