KAIRO November 19, 2021 Davao City SABI nila, bago mo gawin ang isang bagay, dapat ay isipin mo muna nang milyong ulit. Hindi iyon ginawa ni Kairo noong maisip niya ang deal sa pagitan nila ni Aryella. He didn't think of the possibilities that might happen along the way. Ngayon ay nagpatong-patong ang mga hindi niya inaasahang mangyari, which led them into this situation: si Riveriya na gustong kumpirmahin kung nagdadalang-tao nga ba si Ary, si Ary na sinakyan naman ang kahibangan ni Riveriya, at siya na nakasampa ang isang kamay sa nakasaradong pinto ng banyo sa kusina. Nasa loob ng banyo ang dalawa. It had been two minutes had passed, but Kairo felt like he was waiting there for years. Natural, alam na ni Kairo ang magiging resulta ng pregnancy test. However, he couldn't let go of

