KAIRO November 19, 2021 (Now, Philippine Time) Carina Air (Kairo's Private Plane) “You seem treating me nicely. Baka mawili ako niyan." Hindi pinagsisisihan ni Kairo ang malamig na tono sa itinugon niya sa tanong ni Aryella noong matapos siyang kapkapan nito sa bahaging iyon ng event hall. Kailangan niya ring lunukin iyong pakikipag-flirt niya kay Tasha na sinasabayan rin niya ng pakikipag-flirt kay Aryella. Higit sa lahat, sinasadya talaga ni Kairo na ipahiwatig sa ina na baka magkakaanak na sila ni Aryella. Kung bakit niya ginagawa ang mga iyon ay dahil nais niyang pikunin si Aryella. Pinipikon niya dahil nagbabakasakali si Kairo na maisipan nang putulin na ng babae ang deal nila. Wala nang balak pa si Kairo na ituloy ang deal. Oo. Noong una, desidido siya na ituloy ang pagpapangga

