Mabilis lumipas ang mga buwan at naging maayos naman ang takbo ng aming relasyon nila Ninong at Uncle, ganun pa rin naman sila sa akin, sweet at may pagka-isip bata. Nakakalabas na din naman ako ng bahay may dalawa lang ako na bodyguard na mas mahigpit pa kaysa sa Mommy ko dati. Pero naiintindihan ko naman sila, trabaho nila 'yon at masaya ako na nagagampanan nila ng tama. Ngayon nga ay plano ko magluto kase nag request ng pool party ang dalawang lalaki. Lumabas ako kasama ang dalawa ko na bodyguard para bumili ng mga karne at iba pa sa supermarket. Tulak ko ang cart at kumuha ng mga gulay na lulutuin ko sa butter at ang iba ay pang vegetable salad, parang nahagip ng aking mata si Mae, kaya mabilis at mabagal ang aking kilos na hinanap ang babae, pero wala akong nakita. Siguro nag ha-hallu

