Tumayo ako at nagmamadaling lumabas sa lungga ni Anton, nandidiri ako sa aking sarili. Hindi ko alam pero hinahanap ng katawan ko ang ligaya na naranasan ko kay Liam, naiiyak ako habang hawak ang manibela ng aking sasakyan. Hindi ko gusto ang nangyayari sa akin, ang gusto ko lang naman ay mahalin ni Liam. Hinayaan ko na umagos ang luha sa aking mga mata, pagdating ko sa bahay ay kararating lang pala ng aking mga magulang mula sa ibang bansa, akmang hahalik sa akin si Mommy ng iniwas ko ang aking mukha at dumiretso ng akyat sa aking silid, mabilis kong binuksan ang shower at pinabuhos ang malamig na tubig sa aking katawan, humihikbi na kinuskos ko ang aking braso hanggang sa mamuka ito pati ang aking hita, malas na nga sa magulang malas pa sa lalaki. Hindi ko maiwasang mainggit kay Lianna,

