" Sorry baby girl, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa'yo dahil mali talaga ako, pero wala na kasi ako'ng magawa, pagpasok pa lang alam ko na hindi na ikaw 'yon kaso niyakap na ako ng kaibigan mo at pakiusap na ituloy na. Alam ko na mali, pero nadala na ako ng sitwasyon kinain na ako ng init ng aking katawan, promise baby girl, hindi na ako iinom ng alak. " Hindi ako umimik at tumingin lang, alam ko naman na panaginip lang ito, alam ko naman na imahinasyon ko lang si Ninong na nandito sa tabi ko, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?, gusto ko siyang yakapin, pero kailangan kong manindigan, hindi ganun kadali magpatawad, hindi naman ito basta pagkakamali na mabilis mabubura ng sorry lang. Nahiga ako sa sahig at inabot ang bote ng alak, pagtungga ko ay wala ng laman, natatawa ako n

