Pagdating ko sa building ay inabot ko sa guard ang aking iD, tumango ito sa akin at nagpasalamat naman ako, naglakad na ako patungo sa elevator na bitbit ang aking mga gulay, may iilan akong maarte na nakasabay sa loob, tinititigan nila ang aking transparent na plastik na ang laman ay kita na gulay, natatawa na lang ako. Baka nga pati panty nila hiningi pa nila sa kanilang magulang, tapos kung umarte akala mo kung sino, sampalin ko sila ng dalawang black card ko sa mukha nilang mga espasol eh. Hindi naman kasi ako lumaki na marangya, ayaw ko sa lahat yung ginagasta ko ang pera na pinaghirapan ng iba, kung siguro ako na ang nagpo-provide para sa sarili ko ay maaaring bilhin ko na din ang aking mga gusto. Napapa-iling ako dahil mukhang nandidiri sila sa akin, tinitigan ko ang damit nila na m

