Be a good girl.
Iyon ang pilit na iniisip ni Krystinia habang napapalibutan ng mga kababaihan na walang ibang pinag-usapan kung sino ang bagong guwapong modelong nasa billboard ng EDSA, ang bago sa fashion o kung sino ang mga magnobyo o mag-asawa na magkahiwalay na. Hindi siya makapaniwala na napapasama siya sa grupo ng mga ito. They made her feel old and brainless. Bagamat sa sirkulong ito siya umiikot, she was not into gossips and petty conversations. Pwede namang pag-usapan ang kagandahan sa mas mataas na antas pero hindi yata kasama sa kagandahan ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao.
Pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Isinama siya ng ka-date niyang si Ludwig sa birthday party ng anak ng isang Congressman sa Laguna. Ito ang napipisil ng ama niya para sa kanya dahil si Ludwig ay bunsong anak ng Congressman ng Quezon City kung saan naroon ang pabrika ng Ageless Beauty. Pangatlong date na nila iyon at nagsisimula na siyang mapuno. Did she really leave Ageless Beauty for this kind of idle life?
Pagka-resign sa Ageless Beauty ay sinundo agad siya ni Serafina para dalhin sa spa at salon. She had a total makeover. Gone was her cool and professional look. Ipina-layer and buhok niya at pinakulayan ng burgundy ang buhok niya. She looked modern and sophisticated. Napalitan na rin ang wardrobe niya. Ang mga conservative niyang damit ay napalitan ng mas makukulay at mas sensual na disenyo. May nakalinya na rin na makaka-date niya pero si Ludwig ang best bet ng papa niya. Mahigpit ang bilin nito na dapat ay maging perpekto siya para kay Ludwig. She was trying her damn best. Pero si Ludwig ay malayo sa pinapangarap niyang lalaki. He didn’t make her feel special and beautiful. He made her feel neglected. Heto nga at iniwan siya nito sa company ng ibang mga bisita at hindi niya alam kung saan ito nagsuot.
Ito na ang huling beses na lalabas siya kasama ito. Wala siyang pakialam kung magalit man ang papa niya. Surely there were other ways to please her father. At sana naman ay di lang si Ludwig ang lalaki sa mundo. Siguro naman ay may ibang lalaki diyan na mas matino at hindi ipaparamdam sa kanya na wala siyang halaga.
She excused herself with the group. Oras na para hanapin niya si Ludwig. Itinuro siya ng host nila sa gaming room kung saan kasama daw nito ang ibang mga kaibigan.
Narinig niya ang mga tawanan sa loob ng kuwarto. May mga bumagsak din na poker chips sa mesa. Malamang ay naglalaro ang mga ito ng poker. Akmang kakatok siya nang marinig niya ang usapan ng mga ito na nakapagpatigil sa kanya.
“Pare, akala ko ba wala kang babaeng di napapainit? This is your third date and you don’t even get to kiss her?” narinig niyang tanong ni Tony, anak ng congressman ng Cavite. “Talo ka sa pustahan kung ganoon. And you must see a shrink. You must be sick or something. You are losing your touch with women.”
“Hindi naman babae si Krystinia. She’s a statue made of ice. She leaves me frozen. Maganda nga siya at matalino pero pakiramdam ko isa siyang robot kapag kasama ko siya,” sabi ni Ludwig na sadyang idinidiin na pinagtitiyagaan lang nito ang company niya. Robot? Ice statue? Sino ba naman ang di manlalamig sa tulad nito? Hangin lang ang nasa loob ng bungo nito. Wala itong interes sa business, economics at politics. Ang gusto lagi nitong idiin ay kung gaano ito kaguwapo at kung gaano karaming babae ang naaakit nito.
“Pero pakakasalan mo pa rin siya?” tanong ng isa sa barkada nitong anak ng isang negosyante at tatlong beses nang na-kickout sa university.
“Why not? Gusto rin siya ng mama at papa ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay di nila ako sinita sa ka-date ko. Of course, she was handpicked.”
“Paano ang s*x life mo?” tanong naman ng isa pa na anak sa labas ng isang mayor sa isang dating starlet at minsan nang naeskandalo dahil sa hiwalayan ng isang artista at asawa nito.
“I am sure she won’t mind if I will get it someplace else since she couldn’t provide me with a hot, steamy s*x. She will tolerate it. After all, koneksyon lang ng pamilya ko ang kailangan niya. I won’t even entertain her in my bed. She’s so haughty. She could easily unman me with her coldness. Magpasalamat na lang siya na nagtitiyaga siya sa akin.”
“If it’s any consolation, she’s good for business. Matalino siya.”
“Which is insulting on my part. Ipinaparamdam niya sa akin na mas matalino siya sa akin at mas may silbi. Come on! Sino ang may gusto sa ganoong klaseng babae? We want our women pliant and ready for bed. Not someone who will discuss with spreadsheets and sales report while doing the foreplay. I will definitely get a mistress. Or better yet mistresses to heat things up.”
“Condolence, pare.”
Condolence? Kung kamatayan ang turing ng mga ito kung sakaling pakakasalan niya si Ludwig, mas lalo naman siya. Hindi nga siya makatagal na makasama ito sa tatlong dates, pakakasalan pa kaya niya ito? He was not a big catch after all. Major turn off sa kanya ang lalaking mangilan-ngilan na lang brain cells.
Gusto niyang pumasok sa loob ng gaming room, kaladkarin si Ludwig palabas at ihulog sa pinakamalapit na hukay para gawan niya ng pabor ang mundo. But she was a lady. Hinding-hindi siya gagawa ng eksena pero ito na ang huling pagkakataong may tatrato sa kanya na parang basahan.
Lumabas siya ng balkonahe para sumagap ng sariwang hangin. Gugustuhin pa ba niyang maulit ang karanasang ito? "I can't do this anymore! Ayoko na!" gigil niyang wika.
"Trouble in paradise, Miss?"
"It's none of your..." Nabitin ang sasabihin niya nang makita ang nagmamay-ari ng boses. He was tall. Almost six feet tall. And she could say that he was beautiful in a very manly way. Di niya mapigilang higitin ang hininga niya nang mapagmasdan ito. Ang ilaw ng balkonahe ay nagpalamlam sa mga mata nito. He had a patrician nose. He had the most beautiful smile. Pumitlag ang puso niya dahil sa palagay niya ay napawi ang masamang mood niya sa magandang ngiti nito.
Swabe ang galaw nito nang naglakad palapit sa kanya. "You must be bored and your date is missing. Such a waste for such a lovely night, don't you think?"
Hinamig niya ang sarili. Di dahil guwapo ito ay agad-agad siyang magpapaapekto. Paano kung nadadaya lang siya ng paningin niya at wala itong ipinag-iba kay Ludwig. "I believe we haven't been introduced. You are practically a stranger."
"And you don't talk to strangers. Wise woman. I am Warrick Evaristo, Miss Valdesco.” Inilahad nito ang palad. “O mas dapat siguro na tawagin kang Krystinia.” Tumigil ang puso niya dahil alam nito kung sino siya. Kusa nitong kinuha ang kamay niya at kinamayan siya. “I hate being formal with such a lovely lady."
Parang may pangako sa mga salita nito. Parang sinasabi nito na higit pa sa simpleng kakilala ang gagampanan nito sa buhay niya sa mga darating na araw.
"Kilala mo ako?" gulat niyang tanong.
"Sino bang di makakakilala sa iyo? Your beauty is legendary."
Sarkastiko siyang ngumiti. Sobrang papuri yata iyon o pwede ring may nakatagong sarkasmo. "You mean I am as pretty as an ice statue."
"Sinong may sabi?" inosenteng nitong tanong.
Ikiniling niya ang ulo. "Kayong mga lalaki. Narinig ko mismo ang ka-date ko nang sabihin iyon sa mga kaibigan niya. All of them agreed that I am a pretty statue made of ice."
"I am not one of them. They are too shallow not to see the fire within."
Nang titigan siya nito ay parang may sinindihan itong mitsa sa loob ng katawan niya at nagsimulang gumapang ang init. Anong ginagawa nito sa kanya? Di siya nito hinahawakan pero parang humahaplos na ang kamay nito sa kanya. Sapat na ang tingin nito at mga salita para ligaligin siya. Hindi ito tama. May nagbababala sa kanya na hindi niya dapat pakinggan ang mga sinasabi nito. That he was just saying the right words and leading her on. Hindi ba't maraming babaeng nagpi-flirt dito sa loob? Kahit ang mga babaeng may seryosong nobyo na ay handang iwan ang lahat para sa isang gabi sa piling nito. He spelled danger.
Humakbang siya paurong. "B-Baka inaabala na kita. Kailangan mo na sigurong puntahan ang ka-date mo. Baka nainip na iyon."
"Sa palagay mo ba mag-isa ako dito kung may ka-date ako?"
"Of course. She would cling to you and won't leave you." Another chauvinistic pig. Alam nito ang karisma nito sa mga kababaihan.
"Hindi ko iiwan and isang babae sa isang ganito kalaking party. That's rude and irresponsible. Oras na ilabas ko siya ng bahay, responsibilidad ko siya at nangangako akong poprotektahan ko siya. I will never make a woman feel less important or less beautiful."
Maswerte ang mga babaeng nakaka-date nito kung ganoon. Kung ganoon lang sana si Ludwig, baka hindi ganoon kasama ang gabing iyon. Bakit ba di na lang katulad ni Warrick ang ipina-date sa kanya ng ama niya?
But with a man as nice as he professed, bakit wala itong girlfriend?
Umangat ang gilid ng labi niya nang maalala ang mga babaeng nakapaligid dito kanina. He was the center of the party a while ago, dahilan para ma-insecure ang ilan sa mga kalalakihan kasama na si Ludwig. "Kaya pala malaya kang pagkaguluhan ng ibang mga babae kanina dahil wala kang ka-date."
Ngumiti ang mata nito. "Napansin mo pala ako."
"Sino ba naman ang di makakapansin sa iyo? You are a striking man. Lahat ng mga babae ay ikaw ang pinag-uusapan.” Bigla niyang itinikom ang bibig. She was usually reserved when it comes to men. She didn’t discuss things that could make a woman vulnerable or feed a man’s ego. Di niya pupurihin ang isang lalaki dahil baka isipin nitong interesado siya dito. “Don't get the wrong idea. I am not interested. Narinig ko lang sila,” bawi agad niya.
Humawak ito sa barandilya. "Nandito ako dahil gusto ko ng kaunting katahimikan. Kundi ko bibigyan ng tamang atensiyon ang mga babae, magagalit sila sa isa't isa. Mas mabuti pang umiwas na lang ako sa gulo."
"Nakakaabala pala ako sa katahimikan mo,” aniya at humakbang paurong. What the! Bakit parang nahihiya pa siya dito? Di naman nito nirentahan ang balkonaheng iyon para sa privacy nito. Pero mabuti nang hayaan ito sa katahimikan nito o siya ang hindi matatahimik.
Hinarang siya nito nang tangka niya itong iiwan. "No. Hindi ka dapat umalis. Pareho naman ang dahilan kung bakit tayo nandito. Gusto nating takasan ang gulo sa loob. How about we go some place where we can relax? Let's ditch the party entirely."
Nagulat siya sa offer nito. Gusto nitong pumunta sila sa ibang lugar? Silang dalawa lang? Ano naman kaya ang gagawin nito sa kanya para ma-relax siya?
Hindi niya dapat i-entertain ang alok ni Warrick. Mapanganib ito ayon sa isipan niya. He was a charmer. Alam nito ang mga tamang salita para pagaanin ang pakiramdam ng isang babae o ma-in love dito. Pakiramdam niya ay tatalon siya mula sa kawali patungo sa apoy.
"I must go back to my date."
"Babalikan mo pa rin siya sa kabila ng pagtrato niya sa iyo? Come on. You deserve better than that. Maaga pa. Gusto mo bang sayangin ang oras mo sa kanya? We can still change the course of the night. Come with me." At inilahad nito ang palad.
Lumukso ang puso niya habang nakatitig sa guwapo at maamo nitong mukha. Kahit anong pilit niyang labanan ang magnetismo nito ay hindi niya magawang kumawala. Ang alam lang niya ay mas gugustuhin niyang makasama ang kahit na sino kaysa kay Ludwig. Kahit pa nga sinasabi ng lohika niya na di naman niya kilala si Warrick Evaristo.
"Sasabihin ko lang kay Ludwig na aalis na ako ng wala siya."
Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "I will wait for you,” he said with so much promise.
"I AM leaving."
Kumunot lang ang noo ni Ludwig at di nag-abalang lingunin man lang si Krystinia dahil abalang-abala pa ito sa hawak na baraha na akala mo ay buhay at kamatayan ang nakasalalay doon. "Hindi pa ako tapos dito. You see, I am gonna lose my sports car if I don’t win this round. Kaya huwag mo akong abalahin."
"Aalis ako kahit na wala ka. Enjoy your game,” kaswal niyang sabi at lumabas ng gaming room. She felt a pang of satisfaction in walking away. Tapos na ang mga sandali na kailangan niya itong hintayin at magmukhang tanga. Hindi na niya kailangan pang aksayahin ang oras niya dito mula ngayon.
Narinig niya ang mga yabag nito sa likuran niya at hinaklit ang braso niya. "Ito ba ang paraan mo para mapasunod ako sa iyo? I am telling you that it won't work. Kung gusto mong umalis, aalis ka ng mag-isa dito."
"Okay. Iyon mismo ang sasabihin ko sa iyo. Aalis akong mag-isa at maiwan ka dito." At sana talaga ay maipatalo nito sa sugal ang sportscar na ipinagmamalaki nito para mabawasan ang kahambugan nito. Ayaw niya ng lalaking tulad nito na walang pagpapahalaga sa pera at di ginagamit salapi at oras sa tamang paraan. Palibhasa ay di nito pinaghirapan.
Naningkit ang mata nito "Kapag umalis ka ng wala ako, ito na ang huling pagkakataon na yayayain kitang lumabas. I am serious." Puno ng pagbabanta ang tono nito na parang ikagugunaw ng mundo niya kapag iniwan niya ito.
"Thank you then. Ginagawan mo ako ng malaking pabor. Mabuting hayaan mo akong umalis ng walang argumento.” Nanlaki ang mata nito sa labis na pagkagulat. Akala ba nito ay magmamakaawa siya dito o magpapahabol lang siya dito? In his dreams. She wanted to get rid of him fast. “Oh! Huwag mo nang paghintayin ang mga kalaro mo. Baka malasin ka lalo."
Napalunok ito. "Wala ka nang mahahanap na katulad ko,” anitong pilit na bumabawi.
Humalakhak siya ng malakas at umalingawngaw iyon sa hallway. "I am glad. Ayoko nang makatisod pa ng tulad mo na puro hangin. Kundi ka anak ng isang Congressman, saan ka pupulutin? Di ko rin utang na loob o ng pamilya mo na ide-date mo ako. Ang alam ko, pamilya mo ang nanliligaw sa Papa ko para suportahan kayo sa eleksyon. You need our money."
Akmang inangat nito ang kamao subalit di siya naituloy na saktan dahil matalim lang niyang tiningnan ang kamao nito. "b***h! Isang araw babagsak ka rin."
"That would be the day."
Tinalikuran niya ito at naglakad palayo. Sa likuran niya ay nararamdaman niya ang nakasunod nitong tingin sa kanya. Mabuti na rin na huwag na siya nitong guluhin pa. Alam nito na ipapahiya lang niya ito. She couldn’t tolerate the likes of him anymore.
Pagbaba sa hagdan ay nakaabang na si Warrick at hinawakan ang siko niya. Lumapit sila sa host na ine-entertain ang mga bisita nito. “Great party, Nadia,” sabi niya sa celebrant. “I am afraid I have to go. Masakit na rin ang ulo ko kasi.”
Tumaas ang kilay nito nang makita si Warrick. "You are leaving with Warrick? Seriously."
"Yes. Nagsabi na ako kay Ludwig na masakit ang ulo ko. At hindi rin niya ako maihahatid dahil nakainom siya. Mabuti na lang at nagmagandang-loob si Warrick na ihatid ako. Happy Birthday!" sabi niya at humalik sa pisngi nito.
Ngumisi si Nadia at bumulong sa kanya nang yakapin siya. "You are one lucky b***h. Tell me if he is good in bed. They said his prowess in bed is legendary."
Nanigas ang buong katawan niya kasabay ng pag-iinit ng mukha niya. Good in bed? Legendary prowess. OMG! Nakakarinig na siya ng ganoong papuri o babala tungkol sa ibang lalaki pero wala siyang pakialam. Kay Warrick lang siya naapektuhan. Bigla ay parang ayaw na niyang magpahatid dito.
"Let's go?" tanong ni Warrick at inilahad ang palad.
Paano kung i-seduce siya nito at hindi na siya tumanggi pa? Paano kung sa isang gabi lang ay isuko na niya ang Bataan?
Napalunok siya. Sa huli ay tumango siya at ginagap ang kamay nito. Bahala na ang Bataan. Titingnan na lang niya kung gaano kagaling mang-akit si Warrick Evaristo at kung gagana ang legendary charm nito sa kanya.