CONTINUATION OF MAYOR ANDREW'S FLASHBACK'S: Hindi ako mapakali at iniisip ko ang gagawin nila Yohan ngayon. Nakauwi na ako dito sa bahay at hindi na muna umuuwi sa mansyon. Minsan ay sinilip ko din sila Jamie sa bahay nila Aya. Pero patago lang at sinigurado ko na safe sila. Si Alaster na din ang bahala sa kanila. Isa s'ya pinagkakatiwalaan ko na tauhan. Kapag wala si Yohan ay s'ya ang nagbabantay sa mga ito. Lahat ng galaw at ginagawa nila ay alam ko. Hanggang sa naka-recieve ako ng tawag mula kay Yohan. "Hello! Yohan nasaan na ba kayo?" tanong ko agad dito. "Nandito na kami. Pero nagmamasid pa lamang. Mamaya ay papasukin na namin." "Mag-iingat kayo d'yan." "Oo! Tatawagan ka na lang namin ulit mamaya. Pero ngayon pa lang ay parang tama ka nga sa hinala mo. May kakaiba sa planta

