"OKAY LANG KAMI,KAYA NAMIN ITONG LUSUTAN." Sagot ni Yohan sa akin. "Kumalma ka lang d'yan Andrew, kaya na namin ito. Tatawag na lang ako mamaya. Kapag nakatakas na kami sa mga ulupong na ito." Hanggang nawala na nga ito sa kabilang linya. Naupo ako sa aking kama. At napahawak sa aking buhok. Sana ay matapos na ang lahat ng ito. Alam ko na hindi biro ang mga binabangga ko. END OF FLASHBACKS; ************ Present Time: "Jamie, naniniwala ka naman sa akin di ba?" "Sa totoo lang, ang hirap n'yang paniwalaan. Lalo pa at hindi naman tayo bagay. Empleyada mo lang ako. Sinasahuran para gawin ko ang aking trabaho." "Ano ba ang gus'to mong gawin ko? Gus'to mo ba na ligawan kita. Puntahan natin ang mga magulang mo?" "HINDI!" Napalakas ang pagkakasabi ko. Dahil hindi nga s'ya p'wede

