Nang lumabas kami ng elevator ay dumiretso kami sa intensive care unit. Dahil under monitoring pa si Itay pagkatapos n'yang maoperahan. Kumatok si Yohan at ilang sandali ay may nagbukas na sa amin. Si inay na lumabas agad at isinarado ang pinto. "Jamie,anak mabuti naman at nandito ka na." umiiyak na sabi pa ni inay. "Kumusta po ang Itay?". "Successful ang kan'yang operation at halos katatapos lang din,kaya dito na muna s'ya inilipat para mas matutukan pa ang lagay n'ya." Sagot ni inay at ako naman ay nakatingin kay Itay sa salamin na bintana. Nakapikit ito at parang payapa itong nagpapahinga. Ilang linggo ba naman s'yang pabalik-balik sa hospital. Bago namin nalaman na malubha na pala ang lagay nito. Sinabayan pa ng pneumonia. Kaya lalong lumala ang hika nito. At ang kan'yang puso a

