Pagkatapos kong pumirma ay umalis na din agad ito. Ako naman ay heto maghihintay sa makakasama ko papunta sa hospital. Ito kasing si Mayor Andrew ay parang walang tiwala sa akin. Kaya ko naman na pumunta mag-isa sa hospital. Kaya ko din naman na bumalik dito sa mansyon n'ya. "Ma'am Jamie, may iuutos po ba kayo?" Napalingon naman ako sa nagsalita. "Hello po, wala naman akong iutos. At h'wag n'yo po akong tawagin na ma'am,dahil parehas lang po tayong empleyada ni Mayor." Sagot ko dito na ikinakunot naman ng kan'yang noo. "Kayo naman Ma'am, mapagbiro. Ang sabi po at kabilin-bilinan MAYOR ANDREW,sa amin ay sundin lahat ng utos ng kan'yang asawa." "Asawa?" "Opo," "Ah,ee' oo asawa nga pala n'ya ako. " "Grabe naman po Ma'am, nakalimutan mo talaga na asawa ka ni Mayor Andrew?" "Margie

