"Bakit mo ako sinampal?" May hinanakit na tanong ni Venice. "Hindi ko gusto kung ano ang sinabi mo sa magiging asawa ko!"sabi ni Andrew at hinawakan pa nito sa magkabilang balikat si Venice. Nasasaktan ang dalaga sa kan'yang pagkakahawak dito na tiniriis nito. "Asawa?" "Oo, pakakasalan ko si Jamie. At ayaw ko ng maririnig na may sasabihin ka na hindi maganda sa kan'ya." Seryosong sabi nito at binitawan si Venice na muntik pa nitong ikatumba.Nilagpasan s'ya ni Andrew. "Sandali, bakit s'ya ang pakakasalan mo? Bakit hindi na lang ako Andrew? Bakit s'ya pa?" Napahinto si Andrew sa kan'yang paglalakad. Dahil sa tanong ni Venice sa kan'ya. Hindi n'ya maintindihan kung bakit ba ang kulit-kulit nito. Malinaw naman ang sinabi n'ya noon dito na wala s'yang nararamdaman para sa dalaga. Map

