Third PERSON POV: "ANONG IBIG SABIHIN NITO?" Pasigaw na tanong ni Congressman Vustamante. Hindi n'ya akalain na sa huling araw ng kanilang grand rally ay isisiwalat ang mga negosyo n'ya. May mga video kung makikita ang lihim na pagawaan n'ya ng mga illegal na gamot. At ang labis na ikinakagalit nito ay ang mga tanga na tauhan n'ya. Ikinanta lang naman nito ang pangalan n'ya. At ngayon ay nakatingin sa kan'ya ang mga sumusuporta dito mula sa mga bayan na kan'yang nasasakupan. "PATAYIN N'YO!" pautos nitong sigaw. Pero walang kumikilos para sundin s'ya. "Pinagkatiwalaan kita. Pero ano itong ginawa mo Vustamante?" galit na tanong sa kan'ya ni Governor Alicante. "Magpapaliwanag ako kumpadre."pagmamakaawa pa ni Congressman dito. Ito kasi ang tumulong sa kan'ya. Ang pag-endorso nito sa kan

