"Sa akin ay hindi naman ako galit sa ginawa mo anak. Pero ang Itay mo. Alam mo kung gaano s'ya kagalit ngayon. Nakikita mo naman ang trato n'ya sa kasama mo." Sabi ni inay na tila hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kan'ya. Para gumaan naman ang loob nito. Alam ko na Kahit ganito ang kan'yang sinasabi ay ramdam ko pa din na nagtatampo ito sa aking ginawa. Sino ba naman na magulang ang matutuwa kung ang anak nila ay nagsinungaling sa kan'yang naging trabaho. "Ano ba ang naging trabaho mo d'yan kay Mayor Andrew?" "Bumitaw ako sa pagkakayakap kay inay at humarap naman ito sa akin. "Magsabi ka sa akin ng totoo.Ayaw ko na gagawa ka na naman ang kasinungalingan." Seryosong sabi pa ni Inay. Wala naman akong balak na magsinungaling sa kan'ya. "Magpanggap po na mommy ng anak n'ya." "Ano?

