Pagdating namin sa tapat ng g bahay na ipinapagawa nila Itay ay pinigilan ko muna si Sir Mayor na lumabas ng kotse. "Okay ka na ba? Kinakabahan ka pa din ba?' "Hindi na ganoon katindi. Pero syemp're may kaba pa din. Hindi naman ito basta-basta mawawala. Lalo na kapag ganitong nasa harap na tayo mismo ng bahay ni Itay." Sagot ko sa kan'yang tanong. Hindi pa tapos ang bahay dahil hindi na daw tinanggap nila Itay ang huling tulong na gusto pa na ibigay sa kanila ni Sir Mayor. Kahit na hindi naman nila alam na ito ang nagbibigay ng pera. Ganito ang aking mga magulang. Hindi sila kagaya ng iba na abusado sa mga ibinibigay sa kanila. Kahit noon pa man ay ganito na talaga sila. "Halika na." Pag-aya sa akin nito at lumabas na s'ya ng kotse. Ako naman ay humugot ng malalim paghinga. Sana ay ma

