"Hanggang kailan mo ako balak lokohin?"tanong ng isang babae sa kan'yang isipan. Sinusundan n'ya n'yang kan'yang asawa. Dahil sa hindi n'ya alam kung anong pinagkaka-abalahan nito sa mga nakalipas na araw na palaging umaalis ito na hindi nagpa-paalam sa kan'ya kung saan pupunta. Nang makita n'ya na lumabas ang kan'yang asawa sa bahay ng magulang nito ay hinayaan n'ya lang ito. Ang gus'to n'ya na makausap ay ang Ina nito. Hinintay n'ya na tuluyan itong makaalis. Bago s'ya lumapit sa gate. "Ma'am,kayo po pala. Kaaalis lang ho ni Sir." "Ganoon ba, okay lang. Papasukin mo na lang ako at tatawagan ko na lang s'ya." Saad ng babae na ngumiti pa sa security guard na s'yang bantay sa gate. Pinapasok s'ya nito at dumiretso naman s'ya sa loob ng compound ng mga magulang ng kan'yang asawa.

