Dalawang araw na ang nakalipas. At gumaling na din si Andrew. Sa bawat araw ng pananatili n'ya sa bahay ng mga magulang ni Jamie at mas nakilala n'ya ang mga ito. Lalo na ang ama ni Jamie. Na hindi naman talaga matigas. Ku'ndi labis lang nitong mahal ang kanilang anak. "Sigurado ka ba na kaya mo na uminom ng gan'yan? Baka mamaya ay mabinat ka! Tandaan mo Andrew,kagagaling mo lang sa sakit!" Mahina ngunit madiin na sabi ni Jamie sa lalaki. Kasi naman ang isa sa mga naging kaibigan na ng Inay at Itay nila na kapitbahay ay nagdala lang naman ng lambanog sa bahay nila mula sa Gumaca Quezon. Kaya ngayon ay niyaya lang naman si Andrew ni Mang Lando na uminom. Hi "Oo,kaya ko, hindi mahinang nilalang itong mahal mo." "Sigurado ka ba na mahal kita? Baka nangangarap ka na naman d'yan?" Pabiro n

