"Anong ibig sabihin nito, Emie!?" Malakas na tinig ng Itay ni Jamie ang nagpabalikwas sa kan'ya ng bangon "Tay?" "Anong ibig sabihin nito? Talaga bang ayaw n'yo na akong sundin?" Tanong pang muli ni Mang Lando. Napalingon si Jamie sa kan'yang tagiliran. Tulog mantika pa din kasi si Andrew. Kahit na nagkakagulo na sila ng kan'yang mga magulang. Nagtataka din ang dalaga kung bakit nandito na s'ya sa kama. "Lalaki! Tumayo ka d'yan!" "Tay, h'wag po. Magpapaliwanag po muna ako kung bakit nandito si Andrew." Pag-awat ni Jamie sa Itay n'ya na halata sa mukha nito ang galit. Dahil sa inabutan silang magkatabi sa loob ng kan'yang kwarto. Ang bilin kasi nito sa kanila ay bawal silang magtabi. Lalo pa at pinilit na pina-amin ng kan'yang mga magulang ang dalaga kung may nangyari ba sa kanil

