Lumabas si Jamie ng kan'yang kwarto. Dahil nakaramdam s'ya ng uhaw. Nakalimutan n'ya na naman na dalhin ang kan'yang tumbler. Habang kumukuha ito ng tubig sa ref ay may nauulingan s'yang tinig na parang umuungol. Pagkatapos nitong uminom ay hinanap n'ya kung saan nang-gagaling ang tinig na kayang naririnig. Habang palapit s'ya sa sala ay palakas ito ng palakas. Napalapit s'ya agad kay Andrew na s'yang naririnig n'ya pala. "Sir Mayor, anong nangyayari sa'yo?" "Ma-malamig." mahinang sagot nito na kinailangan pa na ilapit ni Jamie ang kan'yang tenga para marinig ang sinasabi nito. Hatinggabi na at maging ang kan'yang mga magulang ay tulog na tulog na din. Kinapa nito ang noo ng binata at tila s'ya napaso sa sobrang init nito. "Sir Mayor, ang init mo." "Ma-malamig." muling sab

