CHAPTER:76

1606 Words

Nang makalapit ang mga ito ay kitang-kita ni Jamie ang pawis ni Andrew na halos basang- basa na ang suot nitong damit. Lumapit s'ya dito at pinunasan ang pawis. "Bakit ka naman kasi pumayag na magtrabaho dito?" pabulong na tanong pa ng dalaga. Nag-alala kasi s'ya para dito. Dahil hindi ito sanay sa ganitong trabaho. Baka mamaya ay makasama pa dito ang sobrang pagod. "Emie, pakainin mo na 'yang si Andrew. Marami pa kaming gagawin." Napalingon si Jamie sa kan'yang Itay na ina-asikaso naman ng kan'yang Inay ang pagkain nito. "Tay, hindi naman po p'wede ito. Hindi sanay si Andrew sa ganitong trabaho." Sabi ng dalaga. "Okay lang ako Jamie, kaya ko." Saad ni Andrew na hinawakan pa s'ya sa balikat. "Kaya n'ya daw." Sabi ng Itay n'ya na sumubo na ng pagkain. Napabuntong hininga na l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD