NANG makarating kami sa presinto ay kilala na agad ako ng mga naka-duty na pulis.
"MAYOR!" bati nila sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanila at nakita ko naman agad ang aking anak.
Nagmamadali akong lumapit sa kanila ni Yaya.
"Akhie, my boy. Bakit ka umiiyak?" tanong ko dito ng mahinahon.
Mamaya ko na lamang tatanungin si Yaya sa bahay ng nangyari,kung bakit nawala ang anak ko kanina.
Kinakausap ko ito,kahit alam kong hindi naman n'ya ako sasagutin. Kahit anong tanong ko sa kan'ya.
"Let's go,uuwi na tayo."pag-aya ko dito,pero lalo lamang itong umiyak.
Kinarga ko na ito at maging ako ay natataranta na sa kan'ya.
"Akhie, ssshhh! Tahan na my boy." Malambing na sabi ko sa kan'ya. Ni minsan ay hindi ko pa ito nasigawan. Dahil sa kondisyon nga nito.
"Yaya,bakit ba s'ya iyak ng iyak?"
"Dahil po sa babaeng naghatid sa kan'ya dito na kamukhang-kamukha po ng asawa n'yo."
Sagot nito na aking ikinagulat. Naiintindihan ko na ngayon ang aking anak. Kaya naman kailangan na mahanap ang babaeng iyon sa lalong madaling panahon.
"Hahanapin na s'ya okay, pero tahan na muna. Promise ni daddy na hahanapin ko s'ya."
Nakangiti na sabi ko dito. Bakit naman sa dami ng makakakita sa kan'ya ay kamukha pa ng asawa ko?
"Halika na Yaya, kailangan ng maiuiw ang anak ko."
Naglakad na ako at ang mga nandito sa presinto ay puro nakangiti sa akin. Bilang isang public servant ay kailangan ko na maging magiliw sa kabila ng aking problema. Pero wala naman lumalapit para kumuha ng picture. Naiintindihan naman nila na pagdating sa anak ko ay sobrang higpit ko. Lalo na pagdating sa pagkuha ng litrato n'ya.
Gus'to ko kasi ay kahit nasa serbisyo ako ay hindi naman maging dahilan ito para ang privacy ng anak ko ay guluhin din nila. Gus'to ko na lumaki ito na hindi takot na lumabas. Kagaya ng nangyari ngayon. Alam naman nila dito ang gagawin. HINDI maaring lumabas ang nangyari ngayon sa anak ko. Mabuti na lang din at wala pa naman mas'yadong tao dito sa presinto. Alam ko kasing maaring pagpyestahan na naman ng publiko ang nangyari dito. Pero ang mas higit na iniisip ko ngayon habang palabas kami ng presinto ay ang babaeng nakasalamuha ng aking anak. Hindi s'ya magkakaganito kung hindi n'ya ng nakita sa babaeng iyon ang mukha ng mommy n'ya.
Hanggang sa makalabas kami ng tuluyan. Tatawagan ko na lamang mamaya si Sarhento. Isa din s'ya sa maasahan ko na kaibigan. Kaya naman sa mga ganitong sitwasyon ay s'ya kaagad ang kinakausap.
"Hi! Akhie, kumusta little boy?" Malambing na tanong sa kan'ya ni Venice. Pero tinitigan lamang s'ya ng anak ko. At muli itong yumakap sa akin. Hindi ko alam kung gus'to n'ya ba si Venice. Pero never s'yang nakipaglaro dito. Kahit pa nga minsan ay kinukulit din ito ni Venice. Pero mas gusto pa din ng anak ko sa Yaya n'ya. Ito ang palaging kasama. Lalo na nitong mga nakaraan na buwan na sobrang busy ko. Dahil sa kampanya. Kailangan ko lang din na lubos na mag-ingat. Tatlo kaming maglalaban sa posisyon na mayroon ako. Hindi naman sa nagiging sobrang mapaghinala ko. Kaya lang kasi ay alam ng pamilya namin na tuso ang mga Villaflorez.
Maging ang aking mga magulang ay palagi din na may paalala sa akin. Lalo na ang Lolo ko na natapos din ang kan'yang termino noong kabataan pa nito. Ngayon kasi ay mas pinili nito na manirahan na sa aming farm. Madalas ay bumibisita naman kami sa kanila. Kasama ang aking anak na mahal na mahal din ng mga ito. Ang gus'to nga sana nila ay doon muna ito tumira. Pero hindi ko kasi kaya na hindi nakikita ang anak ko. Kahit pa gabing-gabi na ay umuuwi talaga ako para lamang makita ito. At mahagkan bago ako matulog.
O kaya naman minsan ay sa kwarto n'ya na ako matutulog. S'ya na lamang ang naiwan sa akin ni Mira ang aking namayapang asawa.
Mahal na mahal ko ito at hanggang ngayon. Kapag nag-iisa ako sa aming kwarto ay naalala ko pa din s'ya at sobrang nangungulila ako sa kan'ya. Kung bakit kasi sa dami ng masasamang tao dito sa mundo ay hindi na lamang sila ang kinuha ni Lord.
Habang nasa byahe kami pauwi ay naging tahimik naman ang anak ko. Sana lang ay maging okay na s'ya.
Hanggang sa makarating kami sa bahay.
Pagpasok namin ay sinalubong naman kami ni manang Linda. Ang mayordoma ko dito sa bahay.
"Mabuti naman Sir,at nakita agad si Akhie."
Bungad na sabi nito at tumingin naman sa kan'ya ang anak ko.
Sa katunayan noong hindi pa ako nakakahanap ng yaya ay ito ang nagsisilbing tagapangalaga nito. Pero dahil nga sa may katandaan na din ito. Kaya kaya mahirap na para sa kan'ya ang mag-alaga ng isang malikot na bata. Katulad din kasi ng ibang bata ay hyper din ang anak ko.
Mas mabuti pa din na may isang tao na titingin dito. Si manang kasi ay busy din dito sa bahay.
"Manang, h'wag na po tayo masyadong magtanong muna. Trauma pa ang bata."
Maarteng pagkakasabi ni Venice.
"Manang,mamaya ko na po sasabihin sa'yo ang nangyari."
"Sige po Sir,ipaghahanda ko na lang po kayo ng makakain."
"Mabuti pa nga Manang." Si Venice ulit ang nagsalita.
Pagpasok namin sa sala ay dinig na dinig ang sounds ng bukas na tv.
"Mommy!" Sigaw ng aking anak na ikinagulat ko.
"Akhie nagsasalita ka na?" Bigla ko itong pinaharap sa akin.
"Ulitin mo anak please! Gus'tong marinig ni daddy ang boses mo."
Pero imbes na ulitin nito ay itinuro nito ang babaeng nasa TV ngayon. Hindi naman s'ya artista. Ku'ndi nahagip lang ata ito ng camera. Bigla na din itong nawala.
Nang mawala s'ya sa screen ay bigla naman na nag-wala ang anak ko.
"Gan'yan n'ya po ang nangyari sa kan'ya kanina Mayor. Iyak s'ya ng iyak, dahil ang babaeng nagdala sa kan'ya sa presinto ay umalis na agad."
"Bakit umalis agad? Alam n'ya ba na dahil sa kan'ya ay mas lalo akong mahihirapan sa anak ko."
"May tumawag kasi sa kan'ya,kaya nagmamadali po itong umalis."
Sagot ni Yaya at ngayon ay patuloy pa din sa pag-iyak si Akhie.