JAMIE'S POV;
"EMIE!" tawag akin ni auntie Bibeth ko. Mula sa labas ay dinig na dinig ko ang boses nito. Sigurado akong may mga ka-tsismisan na naman itong kapitbahay namin. Pero kahit naman gan'yan ang Auntie ko ay mabuti naman s'ya sa amin. Ang itay ko naman ay mangangalakal lamang. At nitong nakaraan nga lang ay isinugod namin ito sa hospital. Hanggang ngayon ay nandoon pa din s'ya. Kagabi ay doon ako dumiretso. At pagkagaling ko doon ay dito na ako dumiretso kay Tita. Nagbabakasakali na baka may pera s'yang maipahiram sa akin. Kahit pangdagdag lang sa pang down para maoperahan na si itay. Para na akong mababaliw kagabi sa kakaisip sa lagay nito. Hindi kasi ako sanay na mahina ito. Si Itay ang palaging nagiging sandalan ko kapag pagod na pagod na ang aking katawan. Ilang taon din akong huminto sa pag-aaral. Pero hindi iyon hadlang para tumigil akong mangarap.
Parang ayaw ko pa nga na tumayo. Dahil na din sa pagod ko sa byahe kahapon. Galing kami sa kabilang bayan. Dahil nga sa interview ko sana na biglang naglaho. Pero okay lang naman at least may bata akong nailigtas. Mula sa posibilidad na may mangyari dito na masama. Kaya lang ay kailangan ko din s'yang iwan sa Yaya n'ya.
Gustuhin ko man s'yang balikan. Dahil naawa ako sa kan'yang pag-iyak. Pero pinigilan na ako ni Aliyah.
Mas importante kasi ang Itay at maging ito ay naging malapit na din sa aking pamilya. Kaya naman ganoon na lamang ito kung mag-alala din sa aking pamilya.
Lumabas na lamang ako,at halos wala pa talaga akong tulog. Kaya naman parang ang katawan ko ngayon ay pagod na pagod.
Matagal din ang byahe namin. Mula sa bayan kung saan dapat ay may interview ako.
Paglabas ko ay naamoy ko ang masarap na kapeng bigas na s'yang ginagawang kape ni Tita dito. Maging ang sampung anak nito ay sanay na sanay sa ganitong kape.
"Ate EMIE,kape!" pag-aya sa akin ng isang pinsan ko na nasa edad kinse ang edad.
"Sige lang,mamaya na ako. Nasaan nga pala si auntie?"
Tanong ko na din sa kan'ya.
"Nasa may kusina Ate,"
"Ganoon ba,sige doon muna ako."
Tumango naman ito at dahil may tinapay na nakalagay sa bibig n'ya.
Ako naman ay dumiretso na muna sa ban'yo na nandito lang naman sa gilid.
Mahirap lang din ang buhay nila Auntie,at ang asawa n'ya naman ay karpintero na kung minsan ay palaging wala dito sa bahay nila.
Pagpasok ko sa ban'yo,kahit na maliit lang ito ay hindi naman madumi.
Masinop kasi ang auntie ko sa mga gamit.
"EMIE!" Narinig ko na naman ang tawag ni Auntie.
Pero ngayon ay kinakatok n'ya ako dito sa loob ng ban'yo."
Kaya naman nagmamadali akong hinilamusan ang aking mukha.
Paglabas ko ay umiiyak na si auntie.
"Auntie Bibeth, bakit po?"
"Ang itay mo Iha, inaataki na naman ng matinding sakit n'ya. Kailangan n'ya na talagang maoperahan. Katatawag lang ng inay mo sa akin. Dahil hindi ka nga daw n'ya makontak."
Sagot nito at para akong lutang ngayon na naglakad papunta sa loob ng kwarto ng mga pinsan ko. Kinuha ko ang aking cellphone.
"s**t! Kaya naman pala hindi ako makontak. Dahil nakalimutan ko na naman na icharge ito kagabi.
Inayos ko ang aking gamit at mamaya ko na lamang ito icha-charge pagdating ko sa hospital.
"Lumabas ako at si auntie ay nakaabang naman sa akin.
"EMIE, pagpasenyahan mo na itong pagkain at kunting pera na maibibigay ko sa'yo. Walang-wala din talaga kasi ako ngayon. Alam mo naman na college na ang dalawang pinsan mo. At kahit naman scholar pa sila ay madami pa din ang gastos at alam mo yan. Dahil college student ka din."
Naiintindihan ko po auntie, maraming pong salamat sa lahat ng tulong n'yo sa amin. Makakabawi din po ako kapag natapos na Ang lahat ng problema namin. Pangako po na maghahanap kaagad ako ng trabaho."
"Okay lang EMIE, kapatid ko ang Itay mo at isa pa ay dito na kayo halos lumaki sa amin ng mga kapatid mo."naiiyak na sabi pa nito.
Dito na kami sa bahay nila auntie tumira mula ng i- demolished ang mga bahay namin. Dahil pag-mamay-ari daw ito ng pamilya Vergara. Si ang pinakamayamn na pamilya dito sa buong probinsya namin. Kaya naman lahat ng gus'to nila ay kanilang nakukuha.Binayaran naman kami. Kaya lang ay naubos na din. Dahil sa pabalik-balik lang naman kami sa hospital dahil kay Itay na naging masakitin.
Dahil sa biglang pagkawala ng lahat sa amin. Ang bahay kasi namin na naipundar ay katas ng pagiging masipag nila ni inay. Kaya naman sobrang hirap na tanggapin na sa isang iglap lang ay nawala na ito sa amin. Dahil sa mga Vergara na s'yang nagmamay-ari ng lupa na kinatiririkan ng aming bahay.
Kaya nga gus'to ko ay makapagtapos ng aking pag-aaral. Para naman makatulong na ako sa aking pamilya at maibigay ko na din ang marangyang buhay sa kanila. Maging sila ay auntie ay kasama sa aking pangarap.
"Ate,saan ka po pupunta? Pupunta ka po ba kila Itay?"
Tanong sa akin ng bunsong kapatid ko na nasa edad pito pa lamang. Dito sila naiiwan kay Auntie. Dahil hindi naman sila p'wede sa hospital.
Lumapit ako dito at yumuko. Hinawakan ko pa ang buhok nito.
"Oo kaya, h'wag kayong masyadong makulit dito ng Ate Mary mo. Babalikan naman kayo ni Ate "
Sagot ko dito at nakita ko naman sa kan'yang mga mata ang lungkot nito. Alam kong nag-aalala din ito sa kalagayan ng Itay.
"Gagaling pa naman po si Itay, di ba Ate?"
"Oo naman,malakas ang itay. Kaya kayang-kaya n'ya ang lagpasan ito. At ang tanging pakiusap lang ni Ate ay tumulong kayo dito sa bahay nila Auntie. H'wag ng hintyin na utusan pa kayo."
"Opo Ate," sagot nito at niyakap ko naman s'ya.
"Auntie,aalis na po ako. Kayo na po sana ang bahala sa mga kapatid ko."
"Mag-iingat ka EMIE, kapag may problema pa ay tumawag ka lang."
"Opo."tipid kong sagot dito.
Tumingin pa ako sa bunso namin at hinalikan ito sa kan'yang pisngi.
Naglakad na ako palayo sa kanila na malayo ang iniisip.
Tiningnan ko ang aking wallet at nakita ko naman na isang libo na lamang ang laman nito. Para akong lalong nanghina.
Napatingin na lamang ako sa langit at parang maging ito ay hindi nakikisama sa akin.
Bigla kasing dumilim ang paligid na tila nagbabadya ang pag-ulan.
Hanggang sa tuluyan na nga itong bumagsak.
"Ano ba naman po ito,pati ba naman ang panahon ay hindi nakikisama sa akin." Kausap ko pa sa aking sarili. Naiiyak na lang ako sa aking sitwasyon ngayon. Para akong basang sisiw ngayon dito sa gitna ng kalsada. Balak ko kasing lakarin na lamang ang sakayan ng bus papunta sa hospital. Mga isang oras ko lang naman s'yang lalakarin. Kaya lang heto at hindi nakiki-ayon sa akin ang panahon.
Medyo malayo na din ang aking nalalakad.
At madalang pa naman ang jeep dito sa amin.
Hanggang sa bigla na lamang ay may tumigil na van sa harapan ko.
Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Dahil sa usong-uso pa naman ngayon ang mga taong nawawala na kinukuha ang mga organ ng tao at ibebenta nila sa black market para sa mga mayayaman na kliyente ng mga ito. Kaya naman nagtatakbo na ako.
Ang akala ko pa naman ay wala ng sumusunod sa akin. Kaya lang ay paglingon ko muli sa aking likuran ay nakasunod pa din sa akin ang van.
"Ay, Lord,po ilayo n'yo ang mga taong ito sa akin." Nanalangin na ako,habang patuloy sa aking pagtakbo. Grabe ang kabog ng aking dibdib ngayon.
Hanggang sa bigla na lamang ay nasa harapan ko na ang van. Lumabas dito ang dalawang lalaki na may mga takip ang mukha.
"Opsss! Saan ka pupunta?"tanong ng isang at may bigla na lamang itong inilagay sa aking ilong. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na para bang nakakaramdam na ako ng panghihina at antok.
******
Habang si EMIE, ay nawalan na nga ng tuluyan ng malay. Ang mga taong kumuha naman sa kan'ya ay tinanggal na ang mga bonnet nila.
"Grabe naman itong pinapagawa sa atin ni Mayor.Kapag nagising agad ang babaeng ito ay tiyak na mawawala na naman s'ya."
Natatawang sabi ng isa sa mga kumuha kay EMIE.
"Grabe, kamukhang-kamukha s'ya ni ma'am Julian."
"Oo nga, bilisan mo na lang d'yan at baka mamaya ay magising na s'ya. Hindi naman ganoon katagal ang epekto ng gamot."
Utos nito sa kan'yang kasamahan.