CHAPTER:5

1501 Words
Nang malalimpungatan ako ay madilim pa din ang aking nakikita. Ramdam ko ang blindfold na nakatakip sa aking mga mata. Ang aking magbilang side ay nararamdaman ko din na may nasa tabi ako. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong walang malay. Pero ngayon ay hindi muna ako nagpahalata na gising na. Dahil maaring kapag nalaman nila na may malay na ako ay siguradong mas magiging alerto sila. Iniisip ko din kung saan ba nila ako dadalhin. "Lord sana naman po ay iligtas mo ako sa anuman na kapahamakan. Kailangan pa ako ng aking pamilya. Hindi ko sila p'wedeng iwan. Kawawa naman po ang aking mga kapatid." Naiiyak na ako. Habang nanalangin. Dahil sa dami ng mga nababalita ngayon na mga nawawala na mga bata at dalaga. Muli na lamang akong nakiramdam sa kanilang ginagawa. Hanggang sa maramdaman ko na parang tumigil ang van. "Wala pa din bang malay 'yan?" tanong ng isa na hindi ko naman alam kung anong mga hitsura nila. Dahil may mga nakatakip sa mukha nila kanina. Sa tingin ko ay hindi lang tatlo ang mga kalalakihan na nandito ngayon sa loob ng van. Mabuti nga at wala silang kasama na doktor. Dahil kung mayroon ay baka kanina pa nila winakwak ang katawan ko. "Nakita n'yo naman na hindi gumagalaw. Malamang ay wala pa din s'yang malay. Kaya bilisan n'yo na. Dahil kapag nagising 'yan ay tiyak mag-iingay na naman. Ayoko pa naman sa lahat ay maingay na babae. Nakakarindi" Inis na sagot ng isa na ang sarap pakinggan ang tono ng kan'yang boses. Para kasi itong DJ sa isang radio station. "Jamie, ano ba! Umayos ka nga! H'wag kang magpalinlang sa tono ng kan'yang boses. Alalahanin mo kailangan ka ng pamilya mo." Saway ko sa aking sarili. Para na tuloy akong baliw na kinakausap ang aking sarili. "Ibaba n'yo na s'ya,para madala na natin sa itaas. Alam n'yo naman ang bulinggit na 'yon ay sabik ng makita s'ya." Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan na bulinggit. Dahil ang isip ko ngayon ay nasa pagtakas. Kailangan ko na makaalis dito. Bago pa ako ma- headline bukas sa mga balita sa radio at tv. Isang babae na wala ng mga organ. Kinikilabutan ako sa aking mga iniisip ngayon. Pero kailangan kong maging matatag para sa pamilya ko. Sa mga ganitong sitwasyon ay hindi ako dapat na panghinaan ng loob ngayon. "Jamie, kaya mo ito." Pagpapalakas ko pa ng aking sarili. Nang maramdaman ko na binuhat ako ng isa sa mga kasamahan ng dumukot sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na nailabas na ako nito. Dito ako nagkaroon ng pagkakataon para tadyakan ito at kagatin sa kan'yang braso. "Aaahhh! Aray!" sigaw nito at ako naman ay nagmamadali ng naglakad. Kahit na wala akong makita, dahil ang aking mga mata ay may takip pa din. Maging ang aking mga kamay ay nakatali din. Pero ang aking mga paa ay malaya naman. Kaya naman tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko na alintana pa kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Basta ang importante ay makatakas ako mula sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang akong tumama sa isang matigas na bagay. "Saan ka pupunta Miss?" dinig kong tanong ng isang baritonong boses. Natanggal na din ang aking takip sa mata. Pero hindi ko din maaninagan ang mukha nito. Dahil dito banda sa kinatatayuan n'ya. "Miss,naman pinahirapan mo pa talaga kami na habulin ka!" Napalingon naman sa nagsalita mula sa aking likod at doon ko nakita ang apat pang lalaki na nakatayo. "Dalhin n'yo na s'ya! Kung bakit naman kasi hindi n'yo nilagyan ng tali ang mga paa n'ya? Paano kung nakatakas s'ya. Malilintikan na naman tayo. At tiyak na nagwawala na naman s'ya kapag hindi pa natin nadala ang babaeng ito." "Malay ko bang gising na s'ya." masungit na sabi ng isa na natatandaan ko ang boses. S'ya ang naglabas sa akin sa van kanina. Hinawakan nila ako sa aking magkabilang kamay. "Sandali lang! Sino ba kayo? Anong kailangan n'yo sa akin? Kung myembro kayo ng mga sindikato ay wala kayong mapapala sa katawan ko. Dahil hindi naman ako healthy. Tingnan n'yo nga buto't balat ako. Hindi n'yo naman ako mapagkakaperahan!" Sunod sunod na tanong ko sa kanila at sumisigaw talaga ako. Dahil nagbabakasakali akong baka may makarinig sa akin at sumaklolo kung sakali. Pero ang sumunod na nangyari ay bigla na lamang silang nagtawanan. "B'wisit na Andrew na 'yan! Napagkamalan pa tuloy tayong sindikato nitong si Ate ganda." Sabi ng isa at hindi ko kilala kung sino ang Andrew na tinutukoy n'ya. "Oo nga, boss pa naman ang tawag ko sa kan'ya. Dahil ang sabi n'ya kapag nadala natin sa kan'ya ang babaeng hinahanap nito ay malaking pera ang ibabayad n'ya." Sabi naman ng isa na parang mas lalo akong naguluhan. Dahil baka maling tao ang kinuha nila na dadalhin nila kay Andrew daw. "Aray! Bakit ka naman nambabatok?" "Mukha ka talagang pera Yohan!" Singhal ng isa sa kan'yang kasama. "Halika na nga Miss, h'wag mo ng pansinin ang mga kasamahan ko. Basta ang maipapangako ko lang sa'yo ay hindi ka naman namin sasaktan." "Eh! Saan n'yo ako dadalhin?" Pero imbes na sumagot ay may ipina-amoy na naman sila sa akin. Hanggang sa tuluyan na naman akong naghina. At wala ng lakas para manlaban pa sa kanila. Sana lang ay totoong hindi sila masasamang tao. Dahil baka hindi na ako muling magising pa nito. Hanggang sa naramdaman ko na lang na binuhat ako ng isa sa kanila. "Ang kulit mo naman kasi Miss." Dinig ko pa na sabi ng isa. ************* THIRD PERSON POV: Habang buhat ng isa si Jamie ang ibang mga kasamahan naman nito ay nakasunod sa kanila. "Ang bilis n'yang tumakbo noh!"sabi ni Andrei. "Mabilis nga s'ya pero hindi n'ya pa din kaya ang bilis ko." sabi naman ni Zeuz ang lalaking s'yang binangga ni Jamie ng hindi n'ya namamalayan. Dahil nga may takip ang kan'yang mga mata. "Bilisan n'yo na dalhin na sa loob ng mansyon 'yan! Malapit na lang tayo ay makakatakas pa s'ya." Sabi naman ng isa at nagmamadali naman si Yohan na naglalakad papunta sa mansyon ng mga Vergara. Nang makarating sila dito. Sa labas pa lamang ay naghihintay na si Mayor Andrew Vergara. Ang mansyon nila na ito ay nasa liblib na lugar. Dahil ang bahay na alam ng mga tao na kan'yang nasasakupan ay ang bahay n'ya sa bayan kung saan ang mga ito pumupunta para humingi ng tulong sa kan'ya. Sinad'ya n'ya talaga na dito n'ya palalakihin ang kan'yang anak. Nag-aaral naman ito pero sa bahay lang muna at hindi n'ya pa sigurado kung hahayaan n'ya ba ito na mag-aral sa isang normal na school. "Anong ginawa n'yo sa kan'ya?" Bungad na tanong nito sa kan'yang mga kaibigan na s'yang maasahan n'ya pagdating sa ganitong bagay. Dahil kung sa iba n'ya ito ipapagawa ang paghahanap sa babaeng kamukha ng kan'yang namayapang asawa ay baka pagmulan pa ito ng kung anu-anong haka-haka. Wala din naman nakakaalam na patay na ang kan'yang asawa. Mas pinili kasi nilang tanging pamilya at ang pamilya lamang nito ang nakaka-alam. Kaya nga alam n'ya din na marami ang nagtataka kung sino ba ang Ina ng kan'yang anak. Dahil noong nabubuhay pa ang kan'yang asawa ay hindi din nito ginusto na ipakilala s'ya nito sa publiko. Dahil ang gus'to nito ay maging normal pa din s'yang tao. Bagama't lahat naman ng layunin ni Andrew ay sinusuportahan nito. "Di ba ang sabi ko sa in'yo ay ligtas n'yo s'yang dalhin sa akin? Bakit sugat-sugat ang mga paa n'ya?" "Andrew, h'wag kang mag-alala. Dahil safe naman namin s'yang nadala sa'yo. At p'wede ba munang pakainin mo kami! Ang hirap habulin nitong babaeng kamukha ng ex wife mo." "Oo nga! Sad'yang muntik lang s'yang makatakas." sabi ni Yohan a napatingin naman sa kan'ya ang mga kasama nito. "What? Isang babae lang matatakasan pa kayo?" Tanong pa ni Mayor Andrew sa kanila. "Tama na muna 'yan. Ipasok n'yo na sa loob ang babae. Para naman makakain na tayo." Sabi naman ng isa at ipinasok na nga nila sa loob ang dalaga Napahawak na lamang sa kan'yang batok si Mayor Andrew. Dahil sa kan'yang mga kaibigan na hindi mayayaman naman. Pero parang mga hindi kumakain. Palaging pagkain ang hanap ng mga ito sa kan'ya. Lalo na si Louie. "Nasaan si Akhie?"tanong pa ng kan'yang isang kaibigan." "Nasa taas at kailangan na makausap ko ang babaeng 'yan. Dahil halos ayaw ng tumigil sa pag-iyak nito sa tuwing maalala ang babaeng kamukha ng mommy n'ya." Napapabuntong hininga na sagot ni Andrew dito. "Sa tingin mo magandang sulosyon kaya itong ginawa mo na pagpapahanap sa babaeng kamukha lang naman ng namayapa mong asawa?" "Hindi ko alam. Pero sa ngayon ay kailangan s'ya ng aking anak. Saka ko na lamang ipapaliwanag sa kan'ya ang lahat kapag nasa tamang edad na ito." Sagot ni Andrew sa kan'yang kaibigan. Ang pinakamahalaga lamang sa kan'ya ay maging masaya ang kan'yang anak. Mabuti nga at nakaligtas ito sa nangyari na sunog. Pero ang mommy n'ya ang hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD