CHAPTER:6

1333 Words
JAMIE's POV: Naalimpungatan ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Inaalala ko kung paano ako napunta sa ganitong lugar. Naramdaman ko din ang mahapding talampakan ko. Dito ko naalala ang nangyari kanina. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng marangyang kwarto na ito. "Grabe, ang yaman naman ata ng mga taong nangdukot sa akin. Kung titingnan mo ang loob nitong kwarto akala mo ay nasa loob ka ng isang five star hotel. Lumapit ako sa may pintuan at nagbabakasakaling bukas ito. Kaya lang kahit anong pihit ko dito ay hindi ko talaga s'ya mabuksan. Lumapit ako sa salamin na bintana at maging ito man ay malabong mabuksan ko. Hindi ko din alam kung nasaan ba ang mga gamit ko. Dahil nga sa palagi na lamang silang may ipinapalanghap sa akin. Kung mga sindikato man ang mga ito, sigurado akong sa mga oras na ito ay naghahanap na sila ng buyer ng mga organ ko. At baka nga ang Andrew na tinutukoy nila ay ang leader ng sindikato na ito. Naghanap ako sa paligid ng maari kong gamitin para makalabas ako dito. Pero wala akong makita na kahit ano. Dahil puro mga appliances ang nandito. May malaking tv. Mga mamahalin na cabinet. Bigla kong naalala sila inay, sigurado akong nag-aalala na sila sa akin ngayon. Ni hindi ko nga alam kung ilang oras ba akong walang malay dito sa loob ng kwarto na ito. Pero ang mahalaga naman ay buhay pa ako. Kaya maari pa akong makagawa ng paraan para makaalis sa bahay na ito. Ibang klase din ang sindikato na ito, dahil talagang bago nila gagawin sa kanilang biktima ang isang krimen ay ipaparanas muna nila dito ang marangyang buhay. Kahit isang araw lamang. P'wes, hindi nila ako madadala sa ganito. Mas kailangan ko ngayon ay maging matalino sa aking mga magiging hakbang para makaalis na ng tuluyan dito. Halos halughugin ko ang buong silid. Hanggang sa maisipan ko na pumasok sa ban'yo. "Wow!" tanging nasambit ko, dahil sobrang ganda dito sa loob ng banyo na parang mas mapagkakamalan ko pa ito na kwarto din. Siguro kasi para sa aming mga mahihirap ay sobrang magarbo nito. Pero para sa mga mayayaman ay simple lang ito. Naamoy ko pa ang mabangong air freshener nito. At sa lagayan ng mga shampoo ay kung anu-anong mamahalin na body wash ang nandoon. Inilibot ko ang paningin dito,dahil baka sakaling may madadaanan ako dito palabas. Mayroon naman akong nakikita na bintana sa itaas. Kaya lang ay sobrang taas nito. At ni wala naman akong magagamit na kahit ano dito para akyatin ito. Minabuti ko na lamang na lumabas. Naupo ako sa kama na kaylambot. Parang ang sarap lang na matulog dito,kung hindi lang ganito ang aking sitwasyon ngayon. Kaya lang ay di bale ng mahiga sa kawayan na higaan na gawa ni Itay na sasapinan namin magkakapatid ng karton at papatungan ng isang lumang banig na mula pa ata noong nagsama sila Itay ay hindi pa napalitan. Mas inuuna kasi nila ang pangangailangan namin na magkakapatid. Kaya pa naman kasing higaan ang banig. Kaya naman pinangarap ko din na kapag nagkaroon na ako ng maayos na trabaho ay ibibili talaga ako ng ganito. Dahil palagi din sa akin na sinasabi ng bunso ko na kapatid na ang isang kaklase daw nila sa school ay maganda ang tulugan. Naawa ako dito. Kaya naman mas lalo pa akong nagsumikap simula noon. Isang taon na lamang ang aking gugulin sa college. Kaya lang ay hindi na muna ako nag-enroll ngayon taon. Dahil na din sa dami ng sabay sabay na gastusin. Lalo na ang mga gamot ni Itay na mas kailangan namin na mabili. Sayang nga ang scholarship ko. Kaya lang ay kailangan ko na mamili. Habang nakaupo ako sa kama ay napansin ko na parang gumagalaw ang doorknob. Kaya naman nagmamadali akong nahiga muli sa kama. Nagkunwari akong natutulog. Pagkakataon ko na ito para makatakas. Sana lang ay hindi sila marami. Sinilip ko pa ang pinto at dahan-dahan nga ito na bumukas. Kaya naman muli ko na ipinikit ang aking mga mata. Doble-dobleng kaba ang aking nararamdaman ngayon. Hanggang sa marinig ko ang mga hakbang nito na palapit sa kama. Naramdaman ko pa na lumundo ang kama na parang may naupo dito. Hinawakan nito ang aking mukha. Nakiramdam muna ako Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan sa mga mangyayari. Pero sa palagay ko ay isa lang s'yang nandito sa aking k'warto. Pero ang sumunod nitong ginawa ay mas lumapit pa sa akin. Ang aking isang mata kasi ay nakasilip sa ginagawa nito. Kung gagawa man s'ya ng kahalayan sa akin ay hinding-hindi ako papayag na magawa n'ya ito. Hindi ko maaninag ang kan'yang mukha ng maayos,dahil sobrang dim lang ang ilaw dito sa loob ng silid. Kaya naman ni hindi ko alam kung anong hitsura ng lalaking ito na nandito ngayon sa loob ng silid na ito. Kinalma ko ang aking sarili para mas makapag-isip ng aking gagawin. Unti-unti nitong inilalapit sa akin ang kan'yang mukha. Nang malapit na talaga ito ay hindi na nalanghap ko pa ang kan'yang mabangong hininga. in fairness naman sa isang ito. Malinis s'ya sa kan'yang sarili. Pero ang tanging nasa isip ko ay tuluyan ng makatakas dito. Kaya naman ubod ng lakas ko na ini-untog ang aking ulo sa kan'yang noo. "Aray! f**k! s**t!" galit na sabi nito na hawak na ngayon ang kan'yang ulo. Sosyal na talaga ang mga sindikato ngayon Ako naman kahit nahihilo pa sa aking ginawa sa kan'ya. Kahit na masakit pa ay agad na akong tumayo sa kama. Ito na ang aking pagkakataon para makatakas sa kan'ya. Nagmamadali akong naglakad at parang pakiramdam ko nga ay may dugo itong ulo ko. Dahil sobrang lakas talaga ng aking ginawa na pag-untog ng ulo ko sa kan'ya. Sorry na lang s'ya,dahil kahit ano ay aking gagawin para makatakas lang. "BUMALIK KA DITO!"sigaw pa n'ya. Hindi ko na ito nilingon pa at tuluyan na akong nakalapit sa pinto. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid,dahil baka mamaya mahuli nila akong muli. Mabuti na lang at clear naman ang lahat ng daanan. Naglakad na ako. Habang naglalakad ay iniisip ko kung saan ako dadaan. Dahil sa sobrang laki nitong bahay. O mas tamang tawag ata dito ay mansyon. Ang alam ko na madalas na pinagdadalhan sa isang taong kinidnap ay sa mga tago-tago na lugar at hindi sa ganito kagandang mansyon. "HABULIN N'YO ANG BABAE!" sigaw ng lalaking nasa kwarto ko kanina. Kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad. Siguro naman ay kahit gaano pa kalaki ang mansyon na ito ay may labasan di ito na kailangan kong malaman kung saan. Bago pa nila ako mahuli. Hindi maaring mahuli nila ako ulit. Dahil tiyak na mas mahihirapan na akong makatakas. Nakita ko ang isang hagdan. Nagmamadali akong bumaba dito. Nakatingin pa ako sa aking likuran habang bumaba dito at nakahawak sa gilid para hindi ako mahulog kung sakali man na maging tanga itong mga paa ko at magkamali ng tapak sa hagdan. Hanggang sa makababa at nakayuko pa din. "Saan ka pupunta?" tanong ng isang pamilyar na boses sa akin. Pamilyar ang boses nito. S'ya ay iyong lalaki na nabangga ko kagabi,kaya nahuli na naman nila ako. Napapikit na lamang ako. At parang wala na talagang pag-asa pa na makatakas ako sa kanila. "Grabe,ang galing mo talaga Miss, kagabi mo pa kami tinatakasan." Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko naman na parang mas dumami ang pares ng mga paa na aking nakikita. Inangat ko ang aking ulo at mas nagulat ako sa mga mukha nila. Ang gwagwapo nila na parang hindi naman mga mukhang sindikato. Para silang mga foreign actor. Para tuloy akong nasa pelikula ngayon at sila ang aking mga leading man. Kaya lang ay hindi naman ito pelikula, ku'ndi totoong buhay. At kahit pa sobrang g'wapo at kisig nila ay masama pa din ang mga ito. Mga nakatingin ito sa akin.At lahat sila ay nakangiti maliban sa isa na parang ang sungit-sungit. ITUTULOY.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD