CHAPTER:7

1303 Words
"HINDI kami ang may kailangan sa'yo Miss," "Eh sino? Bakit kailangan n'yo pa akong kidnaping? Kung ang mga organ ko ang kailangan n'yo? Wala kayong mapapala sa akin. Hindi naman ako healthy!" Muli ko na naman na sinabi sa kanila na wala silang makukuha sa akin na maayos na organ. Pero ang mga hinayupak ay bigla na lamang nagsipagtawanan. "Miss, kagabi mo pa sinasabi sa amin 'yan. At uulitin ko din sa'yo na hindi kami masamang tao. Sad'yang kailangan ka lang namin na dalhin dito sa kaibigan namin." Sagot ng isa sa kanila. Pero wala pa din akong maintindihan. "Sinong kaibigan? Anong kailangan n'ya sa akin?" "Ako!" Napalingon ako sa baritonong boses na nagsalita mula sa aking likod. S'ya din ang lalaking sumisigaw kanina na habulin ako. S'ya ang lalaking nasa silid kung saan ako nakakulong kanina. Pababa ito sa hagdan at nakahawak pa din ang kan'yang isang kamay sa noo nito. Sigurado akong may bukol ito. Dahil ako ay ramdam pa din ang masakit sa ulo ko hanggang ngayon. Binigay ko kasi ang aking buong pwersa sa pag-untog ng ulo ko sa kan'ya. Sa may bandang noo n'ya pala tumama. Habang pababa ito ng hagdan ay lalo akong nakakaramdam ng kaba. Dahil baka sa ginawa ko sa kan'ya ay lalong mapabilis ang pagkamatay ko nito. Samu't saring emosyon na ang aking nararamdaman ngayon. Ikaw ba naman ang mapaligiran ng ganito kagwa-gwapong nilalang. Ewan ko na lang kung hindi ka kiligin. Babae pa din naman ako. At nakakaramdam ng kilig lalo na kung ganito naman ang mga nilalang na kikidnap sa akin. Nang tuluyan itong makababa ay dahan-dahan pa itong naglakad palapit sa akin. Tulad ng mga lalaking kumuha sa akin kahapon. Ang lalaking ito na nagpautos daw na kunin ako ay makalaglag panty din ang datingan. Napa-atras pa ako. Habang palapit ito ng palapit sa akin. Kaya lang ay tumama lang ang aking likod sa isa sa mga kidnaper ko. "H'wag ka ng magtangka pa na tumakas Miss, dahil hindi ka naman makaka-alis dito. "Anong nangyari sa'yo Andrew? Bakit nakahawak ka d'yan sa noo mo?" Takang tanong ng mga kaibigan nito sa kan'ya. Andrew pala ang pangalan nito. Pero ano ba ang kailangan ng isang ito sa akin. Bakit sa dami ng babaeng p'wede n'yang ipakidnap ay ako pa talaga. "Kasalanan ng babaeng 'yan!" inis na sagot nito at dinuro pa ako. "Anong kasalanan ko? Malamang gagawa ako ng paraan para hindi mo matuloy ang balak mo na panghahalay sa akin." Masungit ko na sabi sa kan'ya, hindi ako maaring magpadaig sa isang ito. Kahit pa nga nangangatog na din ang aking mga tuhod sa kaba. Dapat ay makita na palaban akong babae. "Ano ba ang ginawa sa'yo nitong si Miss takas?" tanong naman sa kan'ya ng isa pa na hindi ko naman alam ang pangalan nila. "Nakikita n'yo ba ito? Kasalanan ng babaeng 'yan!" Pasigaw nitong sagot sabay tanggal ng pagkakatakip ng kamay nito sa kan'yang noo. Kaya naman narinig ko na lamang na nagtawanan ang mga kaibigan nito at nakaturo pa talaga sa kan'ya. Maging ako man ay natawa na din sa malaking bukol nito sa kan'yang noo. Ang lakas talaga ng pagkaka-untog ko ng aking ulo sa kan'ya. Ang laki kasi ng bukol nito. "Magsipag-tigil nga kayo!" Pa-utos nitong sigaw. Dinig na dinig ito sa buong mansyon. "Ano ba kasing ginawa mo sa kan'ya? Bakit ka nagkaroon ng gan'yan kalaking bukol?" "Muntik n'ya na nga akong halayin." Ako na ang sumagot sa tanong ng kaibigan n'ya." Lalong nagtawanan ang mga kasamahan n'ya sa sinabi ko. "Hindi kita hahalayin! Wala ka pa sa kalingkingan ng mga babaeng magugustuhan ko!" singhal nito sa akin. "Bakit mo hinahaplos ang mukha ko? At inilalapit mo pa nga ang mukha mo sa mukha ko." mapaghinalang tanong ko sa kan'ya. "Gus'to ko lang malaman kung may malay ka na ba! Hindi ko lang maaninagan ang mukha mo." "Hep! Hep! Tama na ang bangayan n'yo na dalawa. Paano mo masasabi sa kanya ang pakay mo Andrew,kung magbabangayan lang kayong dalawa dito?" Sabi ng isa sa mga kasamahan nito na. "Ano ba talaga ang kailangan n'yo sa akin? Bakit kailangan n'yo pa akong dukutin? Alam n'yo ba na papatayin n'yo ako sa takot?" "Sorry Miss, hindi namin sinasad'ya na mapagkamalan mo kaming myembro ng sindikato." Paliwanag ng isa sa kan'yang mga kaibigan. "So, hindi talaga kayo sindikato? Hindi n'yo kukunin ang laman loob ko? Ang mga organ ko at ibebenta sa black market para sa mga mayayaman na nangangailangan ng organ?" "Hindi! At si Andrew na ang magpapaliwanag sa'yo. Kung bakit ka namin dinala dito." Sabi naman ng isa. "Ano ba ang kailangan mo sa akin?" diretsahan na tanong ko sa lalaking ito. Pamilyar ang pangalan,pero hindi ko lang alam kung saan ko ito narinig. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kaya kita pinahanap sa mga kaibigan ko. Dahil gus'to kitang bigyan ng trabaho. Hindi ko naman akalain na ganito ang gagawin nila." Tumingin ito sa kan'yang mga kaibigan at ang mga ito naman ay hindi makatingin ng maayos sa kan'ya. Ang iba ay parang biglang nagkaroon ng interes sa ceiling at ang iba ay pasipol-sipol pa. "Kasalanan ito ni Yohan, s'ya ang nag-suggest sa amin na ganito ang gawin. Dahil baka nga daw hindi ka sumama sa amin." "Bakit kailangan pa kasing may mga bonnet kayo?" "Para may thrill. Kailangan kasi namin na itago ang aming mga mukha, dahil baka mamaya ay may makakilala sa amin. Nakikita mo naman siguro na itong mga mukha namin ay hindi basta-basta lang at baka mamaya pagkaguluhan pa kami." Sagot ng Yohan na tinutukoy nila sa tanong ko. Ang sarap lang hambalusin ng isang ito. Kung sinabi lang naman nila sa akin na trabaho pala ang dahilan kung bakit nila ako hinahanap. Hindi na sana ako tumakas pa kanina. Nagkanda-sugat-sugat tuloy itong paa ko. Ang g'wapo nilang lahat pero parang may saltik sa utak. "By the way, balikan ko ang sinasabi mo mr?" "Andrew." Dugtong nito. "Ano ba ang trabaho na ibibigay mo sa akin?" "Maging mommy ng anak ko!" Literal na napanganga ako sa kan'yang sinabi. "Nagbibiro ka lang naman di ba?" "Hindi, seryoso ako Miss, kailangan kita para magpanggap na mommy ng anak ko." "Hindi ko matatanggap ang trabaho na 'yan. Kaya naman wala na tayong dapat pang pag-usapan." Seryosong sabi ko sa kan'ya. Hindi ko kayang manloko ng isang bata. "Alam ko na kailangan mo ng pera Miss, dahil nasa hospital ang tatay mo. Kaya tanggapin mo na ang offer ko." mayabang na sabi nito. Ang mga mayayaman nga naman. Lahat talaga sa kanila pera ang pinapairal. "Oo, kailangan ko nga, pero kaya mo pa naman na maghanap ng matinong trabaho. Yung wala akong niloloko."madiin na pagkakasabi ko dito. "Miss,may tumatawa sa cellphone mo. Pasens'ya ka na kung pinakialamanan ko na s'ya. Lowbat kaya naisipan kong icharge." Agad ko na kinuha ang aking cellphone. Sinagot ko ito. "Hello nay," "Anak nasaaan ka na ba? Kailangan na ng Itay mo na maoperahan. Please anak kailangan natin ng pera para sa downpayment. " Umiiyak si inay habang kausap ko mula sa kabilang linya. "Anak, nand'yan ka pa ba?" "Opo nay, h'wag po kayong mag-alala. Dahil ako na po ang bahala sa pera."pilit ko na pinapalakas ang aking sarili sa sitwasyon na ito. "Salamat anak," "Sige po nay, kayo na po muna ang bahala d'yan. Basta gagawin ko po ang lahat para makakuha ng pera." Nanlulumo ko na ibinaba ang cellphone. Humarap ako kay Andrew. Nakalagay sa bulsa ng suot nitong pantalon ang kan'yang mga kamay. "Payag na ako." Wala akong ibang choice ngayon ku'ndi ang pumayag,kahit pa labag ito sa kalooban ko.Mas kailangan ni Itay na maoperahan. Ngumiti naman ito sa aking sinabi. "Okay,kung ganoon ay ipapahanda ko na ang kontrata." Saad nito at umakyat na ulit sa hagdan. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko ngayon. ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD