Habang pinagmamasdan ko na paakyat ng hagdan. Para naman akong nakaramdam ng matinding pagod ngayon. Nawala nga ang kaba sa aking dibdib.
Pero napalitan naman ng agam-agam. Bakit kasi kailangan n'ya ng babaeng magpa-panggap na mommy ng anak n'ya? P'wede naman s'yang mag-asawa?
"Miss, okay ka lang ba? Nagugutom ka ba? O may kailangan ka pang iba? Magsabi ka lang. Para masabi namin kay Andrew."
Sunod sunod na tanong sa akin ng isa sa mga kaibigan n'ya.
"Wala naman akong kailangan. Gusto ko lang ay pumunta muna sa hospital bago ako mag-umpisa sa aking trabaho sa kaibigan n'yo na ubod ng sungit. S'ya na nga ang may kailangan. S'ya pa talaga ang masungit. Akala mo kung sino! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay malabong nandito pa din ako hanggang ngayon. Mahal ko lang talaga ang Itay ko. Kaya gagawin ko ito. " Sagot ko dito.
"Hindi naman s'ya masungit, medyo pagod lang ata s'ya. Lalo pa at panahon ng kampanya n'ya."
"Nangangampanya? Bakit ano ba s'ya?"
"MAYOR," tipid na sagot ng isa na naka-kibit balikat pa.
"Ano? Mayor ang lalaking 'yon?" hindi makapaniwalang tanong kong muli.
"Oo Miss, mayor s'ya ng bayan ng Esperanza at nandito ka ngayon sa teritoryo n'ya."
Nandito pala ako ngayon sa maunlad na bayan ng Esperanza. Isa ito sa pinakasikat na bayan sa buong probinsya. Dahil sa dami ng mga trabaho na p'wede mong pasukan dito. Hindi ko lang talaga ina-alam kung sino ang namumuno sa bayan na ito.
"S'ya si Mayor Andrew Vergara. Anak ng former Congressman na si Congressman Marbert Vergara. Pamangkin ng nakaupo sa p'westo na si Governor Clint Vergara." Sabi naman ng isa. S'ya ang napapansin ko kanina pa na parang hindi din uso sa kan'ya ang ngumiti. Dahil nagtatawanan na ang mga kaibigan n'ya kanina. Pero ito ay parang walang reaction.
Nahihiwagan ako sa isang ito. Pero hindi s'ya dapat ang pagtuunan ko ng pansin.
"Kumain ka kaya muna Miss, marami ang pagkain sa kusina."
"Hindi naman ako nagugu__ Bruuhhh". HINDI ko pa natatapos ang aking sasabihin ng malakas na tumunog ang aking t'yan.
"H'wag ka ng maging ma-pride pa d'yan Miss. Halika na at halata naman na ang t'yan mo na mismo ang nagsasabi sa amin na gutom ka na." natatawang sabi ni Yohan, s'ya ang natatandaan ko na ang pangalan. Dahil palagi na lang itong nakangiti.
Hinawakan na nito ang aking kamay at hinayaan ko na lamang s'ya. Hindi ko din naman kayang tagalan pa itong gutom ko. Hindi na nga ako nakakain ng pananghalian,dahil sa biglang pagsulpot ng mga ito kanina sa daan ko.
Pagdating namin sa kusina ay marami nga ang nakahain pang pagkain.
"Kain ka na." mahinang sabi nito at ipinaghila pa ako ng bangko.
"Kayo, kumain na ba?"
"Oo, kumakain kami kanina ng biglang sumigaw si Andrew na habulin ka daw namin."
"Ang sarap pa naman ng kain ko. Tapos bigla na lang s'yang nagsisigaw na nakatakas ka na naman. "
Napatingin naman ako sa isang may kulay na gold na buhok.
"Hindi pa pala kami nakakapagpakilala sa'yo ng maayos. Ako ng pala si Yohan" pagpapakilala nito ng kan'yang sarili sa akin.
"Andrei!
"Ran!"
"Nicholai!"
"Zeuz."
At Sumunod na din ang iba pa nitong kaibigan. Pero mamaya ko na lang kakabisaduhin ang mga pangalan nila. Dahil mas kailangan ko ng pakainin ang mga bulate ko sa tyan na mga nagririgodon na. Baka nagkakagulo na sila sa loob ko ngayon. Sa totoo lang ay kanina pa ako nakakaramdam ng gutom. Kaya lang ay hindi ko ito masyadong pinapansin,dahil ang mahalaga nga sa akin ay makatakas sa mga taong ito. Muli naman silang kumain na lang din ulit. Parang dahil nga sa nangyari kanina ay nabulahaw ang kanilang pagkain. Kaya naman mas lalo tuloy akong ginanahan na kumain. Masarap talaga kumain. Lalo na kapag ganitong marami kayong sabay-sabay sa mesa. Ganito kami noong nasa dating bahay pa kami. Kahit simple lang na tuyo at instant noodles ang nasa hapagkainan namin. Masaya pa din kami habang nagsasalu-salo nila Itay.
"Miss okay ka lang ba?"
Pinahid ko naman ang aking mga luha,dahil sa aking mga iniisip ay hindi ko mapigilan na makuha sa sitwasyon ng buhay namin.
Kung hindi lang sana na- demolished ang bahay namin. Sana ay hindi naging masakitin si Itay. Sana ay hindi ito palaging nag-iisip. Kaya lang ay wala na kaming magagawa. Nangyari na ang nangyari. Kitang-kita pa namin ang araw na iyon. Habang ang mga malalaking truck ay unti-unting sinisira ang aming bahay. Ang tanging nagagawa na lamang ng araw na iyon ay umiyak.
Tumango lamang ako bilang sagot sa tanong sa akin ni Yohan kung okay lang ba ako. Yumuko ako at ipinagpatuloy ang aking kinakain.
Hanggang sa matapos ako at mabusog na. Masarap ang mga pagkain na nakahain dito sa mesa. Sigurado ako na kung nandito lang siguro ang aking mga kapatid at maging sila Itay kung wala itong nararamdaman ay tiyak na masasarapan din sila sa mga ito. Hindi kasi namin kaya ang makabili ng masasarap na pagkain. Dahil ang kinikita ni itay ay sapat lamang para makabili ng bigas na pinaka-importante sa amin. Nagbabaon nga ako sa school na tanging isang pirasong tuyo lamang ang aking ulam. At dahil maarte ang mga kaklase ko. Kinakailangan ko pa na magtago sa likod ng building namin at sa may puno ng mangga. Aakyat ako at doon ko na kakainin ang aking baon. Iwas na din sa mga bully kong kaklase na kapag mahirap ka ay sobrang liit ng tingin nila sa'yo. Kaya mas lalo pa akong nagpupursige. Kaya lang ay hindi ko naman akalain na darating sa pamilya ko ang ganting dagok. Kaya ang pangarap ko na makapagtapos ay pansamanta ko muna na isinantabi.
Tapos na din ang mga kasama ko dito sa mesa na kumain. Nagpasya na akong linisin sana ang mesa. Nakakahiya naman na pagkatapos kong mabusog ay hindi man lang malinis ito at mahugasan.
"Miss, hayaan mo na yan d'yan, hindi mo trabaho 'yan." Saway sa akin ni Yohan. Pansin ko lang dito ay palagi itong nagmamasid sa akin. Lahat naman sila. Pero mas madalas akong kausapin nito.
"Okay lang naman sa akin."
"Ma'am,kami na po. Magagalit si Mayor,kapag ikaw ang pinagawa namin n'yan." mula sa aking likuran ay may isang babae na kumuha sa aking kamay ng plato na hawak ko.
"Sigurado po ba kayo na ayaw n'yo na tulungan ko kayo?"
Tanong ko pa dito.
"Kaya ko na po ma'am, trabaho ko po ito." sagot nito.
"Halika na Miss,kung gusto mo na pumunta sa hospital ay bukas ka na lamang namin dadalhin doon. H'wag ka na din mag-alala pa sa Itay mo. Dahil sa mga oras na ito ay inihahanda na s'ya para sa operation."
Sabi ni Zeuz, natatandaan ko ang kan'yang pangalan,dahil ito lang naman ang tsobrang seryoso ang mukha sa kanila. Pero kahit seryoso ang tingin nito ay napakagwapo n'ya pa din.
"Sigurado ba kayo d'yan? Maooperahan na ba ang Itay ngayon."
"Oo, maniwala ka. Dahil kay Andrew, walang impossible."
Sagot naging sagot nito ay napanatag na ang loob. Siguro naman ay hindi ako lolokohin ng mga ito. At ilang buwan naman kaya ang gagawin kong pagpapanggap na maging mommy ng anak ni Mayor Andrew?
"Bumalik ka na lamang sa kwarto kung saan ka nagising kanina."
Sabi pa ni Yohan at ang mga ito ay tila palabas na ng mansyon.
"Saan kayo pupunta?"
"Uuwi na,nakakain na kami." sagot ng mga ito. Maliban na naman sa isa. Bilang na bilang ang namumutawi nitong salita.
"Iiwan n'yo ako dito?"
"Don't worry Miss, babalik naman ako bukas. Wala kasi akong dala na damit. Kaya kailangan kong umuwi."
" Bakit hindi ka na lang manghiram sa kaibigan mo?"
"Natatakot ka ba kay Andrew?"
Tanong n'ya sa akin.
"HINDI!"
"Hindi ka din naman daw n'ya type. Kaya safe ka dito Miss."
"Jamie Gonzales." pagpapakilala ko ng aking sarili sa kanila. Sa sobrang tensyon kanina ay hindi ko na na-aalala na ipakilala ang aking sarili.
"Nice name."
Sabi ni Yohan at ang mga kaibigan n'ya naman ay tuluyan ng lumabas.
"Balik ako mamaya, hindi ko kasi ugali ang nanghihiram ng damit. Siguro crush mo ako? Kaya parang ayaw mo ng iwan kita dito." sabi nito na may pilyong ngiti sa kan'yang labi.
Bigla ko tuloy itong nahampas. "Ang kapal naman natin d'yan!"
Natawa naman ito sa aking sinabi. Sa lahat ng kaibigan ni Mayor Andrew. Parang sa kan'ya mas naging panatag ako.
"Sige na, bukas ako ang sasama sa'yo sa hospital."
Paalam nito at nabigla na lang ako ng humalik ito sa aking pisngi. O mas tamang term ata ay beso-beso sa kanilang mayayaman.
Naglakad na ito palabas at dahil naka-van sila kanina. Ito din ang sasakyan nila pauwi ngayon. Kung bakit naman kasi pinagtripan pa nila ako.
Inilibot ko naman ang aking tingin sa buong mansyon. Sobrang laki talaga nito.
Umakyat na ako sa hagdan at naglakad na papunta sa kwarto kung saan ako dinala kanina. Iniisip ko din ang kontrata. Ano naman kaya ang mga nakalagay dun?
Nang makarating ako sa kwarto ay isinara ko na lang ulit. Pakiramdam ko ngayon ay pagod na pagod ang katawan ko. Epekto pa ata ito ng pampatulog na pina-amoy nila sa akin.
ITUTULOY....