Nagising ako sa katok na nang-gagaling sa pinto. Pupungas-pungas akong tumayo sa malambot na kama. Kapag may pera na ako ay ibibili ko talaga ang mga kapatid ko ng ganito kagandang higaan. Nakakainis lang kasi. Dahil may istorbo sa pagtulog ko. Ngayon na lang nakapagpahinga ng ganito ang aking katawan. "Sandali lang!" sigaw ko. Dahil kung maka-katok kasi ito. Akala mo naman ay parang gigibain na ang pinto. Nagmamadali tuloy akong lumapit para mabuksan na ito. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang nakakunot ang noo na si Mayor Andrew. "Bakit ang tagal mong buksan?" Inis na tanong nito. "Malamang tulog kaya ako, kaya hindi kita agad napagbuksan. Nakakapasok ka naman dito sa kwarto kahit nakasarado ang pinto di ba?" Kung inis s'ya ay mas ipapakita ko ang inis ko sa kan'ya. Natutulog a

