"Anong oras ba s'ya darating?" tanong ni Aya,habang sumusubo ito ng cake na inorder n'ya. Seryoso naubos nito ang isang roll ng cake sa sikat na bakeshop sa bansa. Pero parang hindi man lang ito tumataba. Sa bahay n'ya ay marami din ang chocolates sa ref. "Jamie......!" nabulabog ang buong cafe sa lakas ng boses ni Ali. Nagtatakbo ito na palapit sa akin. At paglapit nito ay niyakap na n'ya ako ng mahigpit. "Ali!" Sabi ko sa kan'ya. "Grabe ka naman kung makasigaw. Nakakahiya sa mga tao dito. Sa atin na lang sila nakatingin lahat ngayon." Saway ko dito,habang nakayakap din sa kan'ya. Na-miss ko talaga ito ng sobra. "Hindi ka na nasanay sa akin." Sabi nito at bahagyang lumayo sa akin. "Pasens'ya na po kayong lahat. Na-miss ko lang po kasi itong bestfriend ko. Kaya nagsisigaw po ako

