"Maupo ka nga Aya, gusto mo ba talaga na sabihin ko sa'yo?" "Oo, kaya nga heto at excited na akong malaman kung ano ba ang sasabihin mo." "Sundin mo ako. Maupo ka muna at huminahon." Naupo naman ito sa aking tabi. At para itong batang masunurin. Natatawa na lang ako dito sa kaibigan kong ito. "Oh! Nakaupo na ako,baka naman p'wede mo ng sabihin sa akin. Kung bakit hindi kayo p'wede ni Andrew?" Nakataas pa ang kilay nito. Habang nagsasalita. Hindi talaga maaring hindi ko sabihin sa kan'ya. Mapagkakatiwalaan naman si Aya. "Dahil nga kasi galit ang mga magulang ko sa mga Vergara." "Ha?! Bakit naman sila nagagalit? Sa pagkakakilala ko sa mga Vergara ay may puso sila sa mga maralitang kagaya ng pamilya mo." "Magsasalita pa ba ako?" "Sige tuloy mo na. Promise mamaya na ako magre-react

