Nang maka-akyat kami ni Akhie sa kwarto nito. Napatingin ako sa kan'yang mga laruan. Mga mamahalin o mas tamang sabihin ay ito yung mga laruan na maaring gawin na collection. Ganoon ang mga nandito sa kan'yang kwarto. Siguro ito ang kan'yang mga hilig na ipabili sa daddy n'ya. Kaya ganito karami ang collection n'ya ng mga ganito. "Baby boy? Sayo ba ang lahat ng ito?" tanong ko sa kan'ya sabay lingon dito. Nag-sign language lang ito na madali ko lang din naman na naintindihan. Sumagot naman ako sa kan'ya. Nasa ibabaw ito ng kan'yang kama. At may kinuha din itong isang mallit na mesa. Kung saan ay inilagay n'ya naman ang isang sketch pad. Lumapit ako sa kan'ya. Tiningnan ko ang kan'yang ginagawa. "Ang ganda ko naman d'yan." napapahawak pa ako sa aking bibig. Dahil sa gulat. Ang isang

