"Akhie, galit ka ba sa Tita Venice?" malambing na tanong pa ng babaeng ito. Halata naman na ayaw sa kan'ya ni Akhie. Pero ito naman ay todo lambing pa din. "Akhie, halika dito kay daddy." tawag sa kan'ya ni sir Mayor. Pero imbes na lumapit ay sumiksik ito sa tagiliran ko. "Akhie, tinatawag ka ng daddy mo. Halika dito." Tawag muli sa kanya ng babaeng ito na hindi ko din gus'to ang awra na nararamdaman ko sa kan'ya. Maging si Akhie ata ay nararamdaman din iyon. Kaya n'ya siguro hinila ang buhok nito kanina. Sino ba naman kasing anak ang matutuwa kung ang daddy n'ya makikita n'yang may ibang kalandian. Hindi lang naman ito nakakapagsalita. Pero marunong naman itong makiramdam sa nangyayari sa paligid n'ya. Lalo pa at iniisip nito na ako mommy n'ya. "Venice, siguro ay hindi ka gus'to n

