Gising na ang diwa ko. Pero hindi ko pa iminumula ang aking mga mata. Nakakaramdam ako na parang may kasama ako dito sa loob ng kwarto. Hindi pa ako gumagalaw at nakikiramdam lang kung anong gagawin nito. Hanggang sa makaramdam ako ng munting labi na humalik sa pisngi. Iminulat ko na ang aking mga mata. "Akhie!" Sambit ko sa pangalan nito at bigla naman itong ngumiti. Muli akong hinagkan nito sa aking pisngi at niyakap ko naman ito. Sobrang lambing n'ya talaga sa akin. Kahit noong unang araw na nagkita kami. Umalis ito sa pagkakayakap sa akin. At may kinuha na isang white board at may dala din s'yang pentell pen. Dahil nga hindi naman s'ya nakakapagsalita ay kailangan n'ya na gumamit ng ganito para makipag-usap sa mga kasama n'ya. Nagsulat ito at hinintay ko s'ya na matapos na mag

