Alam mo Denver sobrang minahal kita
kahit sa panaginip lang kita nakikita at
nakakausap. Alam mo ikaw ang dalhilan
kung bakit ako natutong lunmaban at
magpakatatag. Ikaw din ang dahilan
upang magkaroon nang ngiti sa aking
mga labi at alam mo ba ikaw din ang
nagbigay sa akin ng pag asa?
..ito ang madalas kong ikwento at sabihin
sa kanya.
Hanggang isang umaga ay nagtungo
ako kila Denver upang personal na
magpaalam, dahil tapos na ang aking
kontrata.
Subalit ngla ako sa mga sumunod na
nangyari, dahil bukod sa mga luha sa
kanya ay unti unti nyang ibinuka ang
kanyang bibig at nagsalita na "pati ba
naman ikaw mawawala sa akin ? "
Sa aking sobrang kaligayahan ay
napaluha ako at sumigaw ng, alam mo
ang saya saya ko dahil napaka tagal
ko ng hinintay na maka usap ka at
marinig kahit sandali ang iyong tinig.
Nagsalita muli si Denver na, alam mo
madalas mo din akong dalawin sa
aking panaginip mula ng iwan ako ng
babaeng minahal ko ng sobra.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto
ni Denver at pumasok ang kanyang mga
magulang..at sinabi sa akin na, Rebbeca
ito na ang kabuuan ng iyong sweldo
sa loob ng isang taon at kalahati
dahil tapos na ang iyong kontrata,
napagdesisyunan narin namin dalhin
si Denver sa America upang doon na
lamang ipagamot.
Naiyak na ako noon at nagpasalamat
hindi ko narin nasabing nagsasalita na
si Denver at lumabas na ako ng kanilang
bahay.