Kabanata 37

1038 Words

“Anak ako sa labas” ani ko, pilit ipinapaintindi sa kanya kung bakit hindi niya ako pwedeng mahalin. Ayoko. Natatakot ako. Alam kong sinasabi niya lang ang mga bagay na iyon para pagaanin ang loob ko.  Tapos ano? Sa huli ay matutulad lang ako sa aking ina na nabulag ng pag-ibig.  Ayokong mangyari iyon. Mas mabuti pang mag-isa. “Kahit maging anak ka pa ni Saitama dyan, mamahalin parin kita” presko niyang sabi, tinutukoy ang isang anime character na gumaganap na bida sa One punch man. Nababaliw na ata ako. Kanina ay purong sakit lang ang nararamdaman ko dahil naaalala ko kung gaano kalupit sa akin ang mundo ngunit heto, isang walang kwentang banat niya lang ay natawa ako. Kahit maging anak pa ako ni Saitama huh? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya ba ako o malungkot?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD