Kabanata 7

1118 Words
“Sabihan mo nalang ako kung kelan mo trip tumayo” Ani ko kay Eli habang pinupulot ang mga nakakalat niyang papel.  Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya dahil nasa harapan na niya ako pero shock parin siya sa paglangoy niya sa sahig. Mukhang mahal na mahal niya ang sahig at ayoko namang pakealaman ang feelings niyang yun.  Minsan ko lang makita sa loob ng Campus sila Eli dahil magkaiba kami ng department. Kung si Mavi nga na kapwa ko Engineering student ay minsan ko lang makita ano pa kaya kung sila diba?  Lumipas ang ilang segundo at mukhang narealize na niyang unrequited love lang ang meron sila ng sahig kaya dali-dali siyang tumayo pagkatapos ay tumawa ng malakas.  “Galing ko no? Kaya mo yun? Syempre hindi!” pagmamalaki niya sa’kin habang inaalis ang dumi sa damit niyang puti. Hindi inaalintana ang pagpipigil tawa ng mga nakakita na kanina lang ay gaya niyang natulala. “May galos ka” Ani ko nang mapansin ang siko niya kaya napatingin din siya dito.  “Naku wala lang to, malayo sa bituka! Alis na ako Nika a! May quiz pa ako bye!” sabi niya sabay alis pagkatapos kunin ang mga papel na hawak ko.  Mukhang hindi lang ako ang nahihirapan sa College.  Hays.  “Sino yun?” Muntik ko ng makalimutan, may kasama nga pala ako.  “A! Kinain ko na yung taho mo, ambagal mo e” dagdag pa niya habang nilalantakan ang laman ng plastic cup na kanina ay inaabot niya sa’kin.  Gusto kong magreklamo pero sa huli tinanguan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Akala ko ba para sa’kin yung taho? Paasa.  “Sino nga yun? Ganda a!” panchichismis niya.  “Kaso lampa”  Hindi ko nalang siya pinansin. San niya ba nabili yung taho? Tumitingin ako sa paligid, nakalabas na kami sa Campus pero wala parin akong nakikitang taho.  Nakakainis. At ang mas nakakainis ay hanggang ngayon may nakasunod parin sa’kin. Wala bang mauuwian ang isang to? Akala ko ba kanya kanyang review?  Sinubukan kong lumihis ng daan pagkatapos ay bumalik ulit ngunit nakasunod parin siya sa’kin.  “Anong kailangan mo?” Nang hindi makatiis ay tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nakahinto sa tabi ng daan. “Baka lang kako nagalit ka kasi kinain ko yung taho mo” aniya habang hinihimas ang batok at nakangiti.  Ngayon ko lang napansin, nakakaasar pala yung ngiti niya.  “Kung gusto mo pwede kitang dalhin dun sa pinagbilhan ko nun” alok niya na nagpatigil sa plano kong pag-alis. “Sabi na nga ba gusto mo e!” Tara sunod ka sa’kin “ dagdag pa niya. Gusto kong pagalitan ang sarili dahil sumunod ako sa kanya. Ayaw ko mang ipakita na mukha akong pagkain pero nakita ko nalang ang sarili ko na nasa stalls ng mga Entrep student dito sa loob ng school habang iniintay ang binibili kong taho. Kaya pala wala akong makita kanina kasi nasa South Wing ng school ang stall. Hindi ko tuloy maiwasan ngumiti nang iabot na sa’kin ang taho. Bumalik pa ako sa loob ng Campus para lang dito. Normal lang siguro ang matuwa. Noong una ay pinipilit pa ni boy tindero na siya na raw ang magbabayad pero sa huli ay ako parin ang nasunod. Ang kapal naman ng mukha ko kung magpapalibre ako sa kanya e bago palang kami nagkakakilala.  “Sarap no?” pang-uusisa ni boy tindero sa unang subo na tinanguan ko naman.  Masarap nga. Pauwi na ulit kami at parehas may hawak na taho. “Trivia: paborito ko ang taho” pagkukwento niya habang naglalakad na hindi ko naman pinagdududahan. Ang layo sa College of Engineering ng stalls na pinagbilhan namin pero mukhang sinasadya niyang pumunta dun makabili lang. Isa pa’y kanina pa siya kain ng kain niyon at hindi nauumay.  “Hays hindi ka talaga magsasalita?” maya’y reklamo niya.  “Kwento ka naman dyan classmate!”  Kwento? Tungkol saan naman?  “Trivia: mahilig ako sa matatamis” panggagaya ko sa kanya. Tinuro niya sa’kin kung saan makakabili ng taho e. Hindi naman siguro masama kung sasakyan ko trip niya. Isa pa’y hindi ba’t ito naman talaga ang gusto ko? Ang magkaroon ng panibagong kaibigan. “Tsk alam ko na yun, isip ka pang iba” aniya kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. “Sa room yung grahams, tinanong kita diba?”  Oo nga pala. Nakalimutan ko kaagad.  “Ikaw ha, malilimutin ka masyado paano nalang kapag nagmememorize ka ng formula diba?” saad niya pa na hindi ko nalang sinagot.  Hindi sa ayaw kong magsalita. Wala lang talaga akong masabi.  “Trivia ulit: sobrang pogi ko” maya’y sabi niya kaya napangisi ako.  Trivia yun kasi hindi obvious, siya lang ang nakakaalam. Gwapong gwapo sa sarili amp.  “Hindi pala trivia yun kasi kapag tinitigan nila ako ay makikita na agad nila” napapaisip niyang sabi na may kasama pangpaghimas sa sariling baba. Akala mo’y may balbas. Hindi rin nakalagpas sa peripheral vision ko ang minu-minuto niyang pagngiti at kaway sa mga makakasalubong o madadaanan namin gaya ng ginagawa niya nang magkasama kami sa cafeteria.  Magkaibang magkaiba talaga kami. Hanggang makarating kami sa tapat ng apartment ay ganoon ang aming ginagawa. Siya na nagkukwento at ako ang nakikinig. Kung iisipin ay parang siya ang babae sa aming dalawa dahil siya itong madaldal. “Dito ako nagstay bye na” paalam ko sa kanya nang nasa harapan na kami ng apartment. Sinusog niya naman ng tingin ang gusali sa harapan namin. Animo’y inaalam kung may kaluluwa ito o ano.  “Saan dyan?” maya’y nakangiti niyang tanong. Required bang malaman niya pati yun?  Mukhang napansin niya ang tingin ko kaya agaran naman siyang nagpaliwanag. “We’re friends you know? Wala akong planong masama. Gusto ko lang malaman” Friends? “Alam mo Dimaano nakakatakot ‘yang tingin mo kung ayaw mong sabihin okay lang. Basta sabihin mo ‘Aled pogi ka pero pogi ka’ para naman matanggap ko kung ayaw mo sabihin” dagdag pa niya at tinalikuran ako. Handa ng umalis. Akala mo’y nagtatampo talaga. At anong meron sa Aled pogi ka pero pogi ka? GGSS! “2nd floor dulong pinto” saad ko. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya basta diretso papasok nalang ako. Kailangan ko pang magreview e. Bahala siya dyan. “Woy hindi mo manlang ba tatanungin kung saan ako nakatira?” dinig kong sigaw niya pero kinawayan ko nalang siya habang patuloy sa pagpasok. Ang ingay e. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD