Kabanata 5

1218 Words
“Oy oy”  “Dimaano”  “Di-ma-a-nooo”  “Bakit?” pagkatanong ko niyon ay inilapag agad niya ang singkwenta pesos na buo.  “Hindi mo naman kelangan bayaran, ako may kasalanan” nakangiti niyang saad.  Ano bang problema ng isang to?  Pagkakita ko palang sa kanya kaninang umaga ay iniabot ko na kaagad ang 50 pesos na utang ko ngunit heto at lunch time na pero kinukulit nanaman ako. Sinundan pa talaga ako hanggang school cafeteria e.  Tinitigan ko lang siya.  Don’t mind him Annika. Kumain ka lang.  “Tss suplada” rinig kong angil niya.  Deadma lang.  Kung ayaw niyang tanggapin yung 50 edi huwag.  “O” dagdag pa niya sabay abot ng isang tupperware nanaman pero this time cupcakes naman ang laman nun.  Mukhang masarap.  Nakakatakam.  “Magkano?” tanong ko kaagad sa kanya. May dala na kasi akong extrang pera ngayon.  “Libre na ‘yan, peace offering narin para dun sa kahapon” saad niya kaya napatingin ako sa kanya.  Makapal na kilay, katamtamang tangos ng ilong at labing ngayon e nakangiti.  Kitang kita ko yung gilagid e.  Ang itim LOL.  “Alam kong gwapo ako. You don’t have to stare” pagkasabi palang niya niyon ay napangiwi na ako.  Nakakawalang gana.  Pero syempre tuloy parin dapat sa pagkain. Sayang pagkain.  “Tsk tahimik ka talaga ano?” maya-maya’y tanong niya.  Ang ingay ng isang to.  May kumakain bang madaldal?  Tsaka ano bang ginagawa niya dito?  “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.  Napansin ko kasing lahat kaming nandito ay kumakain maliban sa kanya.  “Naks naman Dimaano huwag kang ganyan baka mafall ako” saad niya na akala mo’y kinilig talaga sa sinabi ko.  Baliw.  “Nga pala, baka may kakilala ka na mahilig sa mga cupcakes. Sabihin mo bumili sila sa’kin sobrang sulit” dagdag pa niya.  Parang kahapon lang graham balls tinitinda nito a.  Gusto ko sanang itanong ang tungkol dun pero tinamad ako bigla magsalita kaya tinanguan ko nalang siya.  Hindi ko narin inalam kung nakakain na siya. May lakas na nga dumaldal e malamang busog na.  Kalahating oras lang ang lunch time namin kaya pagkatapos kong kumain ay dumiretso na kaagad ako sa assigned room para sa susunod na subject. Tahimik naman siyang nakasunod.  The whole time na kumakain ako ay wala siyang ginagawa kundi makipagtanguan sa kung sino.  Nakaupo kasi siya sa harapan ko kung kaya’t kitang kita ko ang bawat kilos niya. Mukhang marami siyang kakilala, kahit professors ay nginingitian at minsa’y kahigh five pa niya.  Hindi ko alam kung bakit siya lapit ng lapit sa’kin pero hinayaan ko nalang. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay nakasunod siya sa’kin kaya hindi ko maiwasang pansinin ang mga kilos niya.  Mukhang pasok ang award na ‘Mr. Friendly of the Year’ sa isang to. Andaming kakilala e. Pagpasok palang namin sa room ay may humarang na kaagad sa kanya at nakipagkwentuhan unlike me na parang hangin lang sa paningin ng mga tao dun. Wala naman akong hinanakit. Ganun nga ang gusto ko e.  Wala pang prof kaya nagbasa nalang ako ng notes. Maya-maya’y itinigil ko rin ang pagbabasa at umub-ob nalang sa desk ng upuan. Ang ingay nila.  Bakit ang tagal ng prof?  Nang mapagtanto kong lampas labinlimang minuto ng wala ang prof ay tumayo na kaagad ako para umalis.  15 minutes late na si Sir. Ibig sabihin absent siya at wala akong plano mag-aksaya ng oras kaya uuwi nalang muna ako sa apartment. Malapit lang naman iyon at kayang lakarin. Tutal ay mamayang alas-tres pa naman ang susunod kong klase, 12:45 pm palang ngayon kaya marami pa akong oras matulog.  May dalawang pinto ang classroom na kinaroroonan ko ngayon. Kaya para makaiwas sa mga nilalang na masayang nagkukwentuhan sa may unahan ay sa likod ako dumaan pero mukhang wrong move iyon dahil bago pa man makatapak ang paa ko sa labas ay tinawag na ako ni boy tindero.  Oo,boy tindero. Hindi ko alam pangalan niya e.  “San ka pupunta?” nakangiti niyang tanong. Pati tuloy ang mga kaklase naming kakwentuhan niya ay napalingon narin sa akin.  Bakit sila nakatingin?  May dumi ba ako sa mukha?  “Apartment, uuwi” simple kong sagot.  “Punta kaming library ngayon, sama ka?”  Hindi ba niya narinig ang sinabi ko? Gusto kong umuwi sa apartment.  Tatanggihan ko palang sana ang alok niya nang magsalita ang iba pa niyang kasama.  “Oo nga Dimaano sama ka”  “Magrereview tayo para sa Calculus”  “Quiz natin bukas remember?”  “Sige na Dimaano, hindi ka pa namin nakakasama paexperience naman po”  Gusto kong tumanggi pero nahihiya ako kaya tumango nalang ako at kiming ngumiti. Pagkatapos niyon ay tumayo narin sila at sabay-sabay kaming umalis.  Sa daan palang ay ang ingay na nila. May nagbabatukan, nagtutulakan para silang mga bata. Hanggang sa makarating sa library ay ganun ang kanilang ginagawa. Ilang beses na ngang napagalitan ang grupo namin ng librarian pero patuloy parin sila. Kung iisipin ay hindi naman pagrereview ang nangyayari kundi kwentuhan lang pero syempre tahimik lang akong nakikinig habang nagbubuklat ng libro.  1st quiz namin bukas sa Calculus pero hanggang ngayon ay hindi ko parin nauunawaan ang lessons. Ayoko namang mabokya sa unang quiz ng major ko kaya sinerseryoso ko talaga itong pagbabasa. Kahit na ang ingay nila at hindi ako makapagconcentrate.  “Talaga? Ang kapal naman ng mukha niyang ex mo!” ani ng isang babaeng nagpakilala sa aking Miles Perillo kanina. Gigil na gigil ito sa ikinukwento ng bakla naming kaklase na si Gilan Samsom pero Gigi daw dapat ang itawag namin sa kanya.  Fan ata siya ni Gigi Hadid.  “Oo girl! Sobra siya, pagkatapos ng mga panloloko niya. Ang kapal ng mukha! “ ani Gigi na tinutukoy ang dati nitong nobyo. Ayon sa narinig ko ay sineryoso naman iyon ni Gigi pero nalaman niyang nakabuntis ito ng babae habang magkarelasyon parin sila kaya siya nakipaghiwalay. Ang dahilan naman kung bakit gigil na gigil si Miles dito ay sapagkat nanghihingi pa ito ng panggatas. Nakaanak na raw ang babaeng nabuntis nito at nakaplanong gawing ninong si Gigi, ayon pa dito ay tungkulin lang ni Gigi na magbigay ng panggatas dahil ‘future inaanak’ naman daw ito.  “Ayan! Gwapo pa! Ano nga pareng Aled?” Ani naman ni Bryant Vida habang nakatingin kay boy tindero. Si boy tindero naman ay nag-okay sign lang habang pailing-iling. Kung ako ay nagbabasa, siya naman ay busy sa pagsasagot ng practice problem sa libro. Mukhang hindi lang ako ang ayaw bumagsak.  Kanina ko lang nalaman ang pangalan ni boy tindero.  Aled Rances Francisco. Isang 1st year Engineering student na gaya ko. Matangkad na may pagkamoreno. Sa eskwelahang ito narin siya nagSHS kung kaya’t marami na talaga siyang kakilala at sa hindi ko alam na dahilan ay palaging may itinitinda.  Nakuha ko ang mga impormasyong iyon sa pakikinig.  “Basta kami ng boyfriend ko chill lang, tahimik pero wagas na nagmamahalan” si Miles na ang sumagot. Kinikilig pa ang tinig.  May boyfriend na pala ang isang to. Sabagay, mukha naman siyang magaling makitungo. Bonus pa yung ganda.  “Ikaw Nika may boyfriend ka na ba?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD